Nikki Co hindi isusuko ang showbiz career, keri lang kahit puro kontrabida role ang offer ng GMA | Bandera

Nikki Co hindi isusuko ang showbiz career, keri lang kahit puro kontrabida role ang offer ng GMA

Ervin Santiago - June 13, 2022 - 07:46 AM

Nikki Co

WALANG issue sa Kapuso actor at Sparkle talent na si Nikki Co kung puro kontrabida roles ang ibinibigay sa kanya ng GMA 7.

Super thankful and grateful ang binata sa mga blessings na natatanggap niya ngayong 2022, kabilang na riyan ang pagpirma niya ng exclusive contract sa Sparkle ng GMA.

“Masaya lang talaga and grateful, saka masarap sa pakiramdam, alam mong pinagkakatiwalaan ka pa rin ng network kasi in-extend ka pa nila. And ayun, tuluy-tuloy lang sa pag-improve sa craft namin,” pahayag ni Nikki na unang nakilala bilang kontrabida sa “Mano Po Legacy: The Family Fortune.”

At ngayong opisyal na siyang talent ng Sparkle, “Siguro expect more of, more contravida roles, kasi sa nakikita ko lately, yung mga pinapa-audition sa akin ng GMA is medyo puro kontrabida, e. So nag-e-enjoy naman ako du’n, so let’s see.”

Anim na taon nang nasa showbiz si Nikki pero kahit na medyo mabagal ang takbo ng kanyang career, hindi raw niya basta-basta isusuko ang pangarap niyang maging successful actor.

“Plus hindi pa rin ako titigil kasi passion ko na yung pag-arte, so mag-o-audition at mag-o-audition pa rin ako kung saan puwede,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikki Co (@nikkico_)


Ano ba ang pananaw niya tungkol sa stardom o fame? “Stardom siguro para sa akin is being a total package. Hindi lang siya sa pagiging magaling mo sa craft mo, kailangan kasama yung kailangan mabait ka sa mga katrabaho mo, kailangan mahal mo yung trabaho mo.

“And yung pagiging star or pagiging celebrity, hindi lang siya sa pagiging sikat, e. Hindi lang siya pagiging magaling, kailangan nasa puso mo siya, na araw-araw kang gusto mong mag-improve, araw-araw na gusto mong maging magaan katrabaho.

“Kailangan hindi lalaki ang ulo mo. So para sa akin ang pagiging isang star is yung package talaga. Kailangan magaling ka, mabait ka sa tao, and always put your feet on the ground,” lahad ng binata.

At tungkol nga sa pagiging kontrabida sa mga programa ng GMA, “Siyempre gusto ko pa ring maging leading man kasi lahat ng mga roles, gusto kong magampanan, e.

“Pero sa nakikita ko, effective ako sa ganitong role. So why not, kung bibigyan ako ng ganitong path, why not? Pero kung may chance pa rin naman akong maging leading man, why not din?” ani Nikki.

“Nag-eenjoy naman ako sa pagkokontrabida. Kasi napaglalaruan mo yung character saka may lalim yung mga ganung role so pag-aaralan mo talaga.

“Masarap sa pakiramdam na kaya mo siyang gawin, and yung feedback ng mga tao is nakakatuwa lang kasi nakikita mo na naa-appreciate nila yung pinaghirapan mo,” sabi pa ng binata.

Para naman sa mga fans na naghihintay na sa magiging next project ni Nikki sa GMA, “Meron tayong hinihintay na result ng auditions, pero most likely, feeling ko naman is ito na yung next, hopefully, and pinagpe-pray ko naman siya.

“So abangan na lang po, siguro sa social media ko na lang ipapakita if ayun na talaga,” sabi ng Kapuso actor.

https://bandera.inquirer.net/310230/pokwang-sa-bashers-ilatag-nyo-na-lang-ang-plataporma-ng-iyong-kandidato-kesa-manlait

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/302658/geneva-nang-alukin-ng-gma-bilang-kontrabida-sabi-ko-teka-muna-di-ko-alam-kung-matutuwa-ako-diyan
https://bandera.inquirer.net/285355/ang-yayabang-sa-internet-puro-lait-pero-in-person-wala-namang-personality

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending