Undies ni RR Enriquez bet bilhin ng married man sa halagang P50k | Bandera

Undies ni RR Enriquez bet bilhin ng married man sa halagang P50k

Therese Arceo |March 09,2023
facebook
share this

Undies ni RR Enriquez bet bilhin ng married man sa halagang P50k

Therese Arceo - March 09, 2023 - 03:28 PM

Undies ni RR Enriquez bet bilhin ng married man sa halagang P50k

NALOKA ang TV personality na si RR Enriquez nang makatanggap siya ng offer sa kanyang Facebook page mula sa isang pamilyadong lalaki.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang series of screenshots mula sa kanyang Facebook page.

Maging ang mga kaanak ni RR ay tila nawindang rin sa natanggap niyang offer base na rin sa mga ibinahagi rin niyang screenshots ng pag-uusap nila sa kanilang group chat.

Isang married man lang naman ang nag-offer na bilhin ang isa hanggang dalawang pares ng kanyang underwear sa halagang P50,000.

Saad ng lalaki, “Anyway RR, I hope you are openminded with this kind of offer. Actually I just wanted to ask lang if you’re open on selling your undies for atleast P50k 1-2 pairs. If ok with you? Please let me know. I will pay first for your assurance.”

Nag-send pa nga ito ng screenshots bilang pruweba na hindi siya nang-i-scam.

Baka Bet Mo: RR Enriquez sa ‘paglantad’ nina Paolo Contis at Yen Santos: Time is the ultimate truth teller

Dagdag pa nito, “Please don’t post me lang RR if dver you find this weird… I understand naman if ever you decline.”

“As a Sawsawera Queen this is the most weirdest message I’ve ever received na Sasawsawan ko.

“I feel sorry for the wife kaya hindi ko na lang ipupost ang name and picture,” panimula ni RR.

“I have a Facebook fan page and my Sisters are the one handling it.”

Aniya, ang mga kapatid niyang babae ang magha-handle ng kanyang Facebook page at sinend nga nito ang screenshot ng weird offer sa TV personality.

“So today they told me and send in our Family group chat that someone sent a message nga daw sa fan page ko and wants to buy my undies for 50thousand pesos for 1-2pairs. He also sent proof na may mga nagbibenta na din sa kanya ng undies na mga models etc,” pagpapatuloy pa ni RR.

Mukhang ini-stalk rin ng kanilang pamilya ang profile ng lalaki at nalaman nilang may pamilya ito.

“Grabe he has a wife and profile picture nya pa yung asawa nya. I felt so bad para sa asawa nya… Imagine the betrayal or unfaithfulness,” malungkot na sabi ni RR.

Muli niyang pinaalala na hindi niya ibinibenta ang kanyang mga undies at pinaalalahanan ang mga kababaihan na matiyagan ang mga mister.

“My undies aren’t for sale #SORRYNOTSORRY!!!! For those who are married please bantayan nyo mga social media ng mga asawa nyo. Grabe na din talaga ang betrayal sa marriage life,” hirit pa ni RR.

Marami naman ang nag-react sa post ng dating host ng “Wowowin”.

“Marami pang di alam si RR sa mga bagay na ganito,” sey ng isang netizen.

Sinagot naman niya ang netizen na openminded naman siya sa mga bagay bagay basta hindi makakasama sa kanya.

“Openminded ako sa ibang bagay at marunong ako mag explore for as long as I know hindi mabababoy ang dignidad ko at ang partner ko, I am in a relationship and if sinasabi mo na maging openminded ako to sell my undies ibig sabihin dinidisrespect ko ang partner ko tama?

“So is that right? Kung ok sayo yun sa akin hindi, And if ang partner ko gawin din yan at bumili nh ibang undies ng babae hindi din ok sa akin, Respeet ang tawag jan. Madami kami pwede gawin at lexplore ng partner ko kahit wild pa yan pero hindi namin kailangan ng ibang tao para mag explore. We can do it no kaming dalawa lang. Sane matutunan mo yan. Huwag mo babuyin dignidad mo.” mahabang litanya ni RR.

“Ay! Matindi ang urge noon sa katawan. Nakakaawa naman si wifey. Ang mas masaklap pa doon siguro inereregalo niya sa wifey niya tapos while having s*x nag-iimagine naman si hubby sa totoong owner ng undies. Soooo….annoying! Sooooo…..disgusting!” saad ng isang netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)

Chika pa ng isa, “Fetish niya yan. Daming ganyan dito sa japan nasa news naglalakad lang babae aatakihin na ng manyak hinuhubaran ng panty Tapos sabay Takbo.Tapos yung iba sinusungkit sa sampayan naman.”

Related Chika:
RR Enriquez sa bashers: Pakialam ko sa inyo! Basta masaya ako sa ginagawa ko!

RR Enriquez hindi bet si Skusta Clee para kay Zeinab: Hindi naman siya ganu’n kaguwapuhan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending