Payo ni Jelai Andres sa lahat ng may pinagdaraanan: ‘Unang lumapit sa pamilya bago sa kaibigan’
KAPAG humaharap sa mga problema at pagsubok, mas mabuti pa ring sa ating pamilya unang lumapit at maglabas ng mga sama ng loob.
Yan ang paniniwala ng aktres at content creator na si Jelai Andres dahil para sa kanya, ang pamilya pa rin ang unang makakaintindi at magmamahal sa iyo nang walang kapalit o panghuhusga.
Ani Jelai, mas mabuti pa ring unang kausapin ang pamilya bago ang mga kaibigan kung may mabigat na problemang kinakaharap.
Sa isang GMA Public Affairs video, binigyan ng chance ang mga netizens na magtanong kay Jelai kaugnay ng pinagbidahan niyang episode sa drama anthology na “Tadhana.”
May nagtanong nga sa kanya kung sa kaibigan ba o sa pamilya siya lumalapit kapag meron siyang pinagdaraanan sa personal niyang buhay.
View this post on Instagram
Inamin ni Jelai na may mga pagkakataon na una siyang nakikipag-usap sa kaibigan bago ipaalam sa pamilya ang problema.
“Pero mali. Na-realize ko ang ending sa family din ako lumapit. Dapat ganu’n, unahin yung family niyo kasi sila talaga yung makapagpapagaan ng loob mo,” lahad ng komedyana.
Baka Bet Mo: Body shamer sunog kay Angel: Malaki ang problema mo sa katawan ko pero mas problema ang face at ugali mo
“Kung may problema kayo, sila dapat ang unang makakaalam kasi sila yung makakatulong sa ‘yo at saka siyempre sarili mo,” dagdag pa ng vlogger.
Kailangan din daw i-acknowledge ng isang tao ang pinagdaraanan niya at hangga’t maaari ay huwag kimkimin ang problema dahil mas makabubuti pa rin ang mai-share ito para mas gumaan ang pakiramdam.
Pero nilinaw naman ni Jelai na wala rin namang issue kung sa kaibigan unang magsasabi ng problema basta ang mahalaga may mga support system tayo na pwedeng lapitan anumang oras.
“Pero kung ako po talaga ang tatanungin, family pa rin,” ang mariin pang sabi ni Jelai.
Rabiya iwas muna sa lalaki, hindi dinadala sa trabaho ang problema: Walang buhay na perpekto, pero..
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.