Tuesday Vargas sa ospital ipinagdiwang ang birthday ng partner: Tadhana ang dahilan ng ating pagkikita | Bandera

Tuesday Vargas sa ospital ipinagdiwang ang birthday ng partner: Tadhana ang dahilan ng ating pagkikita

Pauline del Rosario |January 05,2023
facebook
share this

Tuesday Vargas sa ospital ipinagdiwang ang birthday ng partner: Tadhana ang dahilan ng ating pagkikita

Pauline del Rosario - January 05, 2023 - 03:23 PM
Tuesday Vargas sa ospital ipinagdiwang ang birthday ng partner: Tadhana ang dahilan ng ating pagkikita

May sweet message ang comedian-actress na si Tuesday Vargas para sa birthday ng kanyang partner na si Joseph Puducay.

Sa isang Instagram post, ibinunyag ni Tuesday na magse-celebrate sila sa ospital bilang nagpapagaling pa rin si Joseph mula sa kanyang sakit.

Kamakailan lang ay nabalitaan nating may matinding sakit ang partner ng aktres na na-diagnose ng apat na klase ng rare disorder at naoperahan pa ito.

Ayon sa mahabang mensahe ng comedian-actres, ang kanilang naging relasyon at pinagdadaanan ay itinadhana ng Diyos sa kanila.

Caption ni Tuesday sa IG post, “Tadhana. ‘Yan lang ang alam kong dahilan ng ating pagkikita. Walang nag hanap sa atin noong mga panahon na iyon.

“Hindi ba nga’t galing ako sa isang magulong kahapon at ikaw naman ay walang kabalakbalak lumugar sa isang sitwasyong pang matagalan dahil masaya ka naman sa iyong buhay? Pero sa unang pag uusap ay may lukso ng dugo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tuesday Vargas (@tuesday_v)

Lubos pang nagpasalamat ang aktres dahil kahit mayroong sakit ang kanyang dyowa ay parati pa rin daw itong nandyan para sa kanya.

Sey ng aktres, “Kaya kahit pinapasalamatan mo ako parati, gusto ko namang sabihin sa iyo na ako ang tunay na mapalad.

“Kapag may nararamdaman ka, nandyan ka pa din sa tabi ko- sinasamahan ako sa matindi kong schedule, inaalalayan sa mga responsibilidad, nakikinig (napaka halaga nito) sa akin tungkol sa mga bagay na mahalaga sa akin.”

Lahad pa sa post ng komedyante, “Ngayong kaarawan mo, tandaan mo na hindi aksidente ang lahat ng ito. Ang ating pagkikita, ang ating pagsasama, ang magaganda at mapapait na mga nangyari. Ito ay TADHANA.”

“Itinakda na ikaw at ako ay magdiwang nang may kapayapaan sa puso (kahit pa nasa ospital tayo ngayon) dahil walang ibang kailangan sa oras na ito kung hindi ikaw at ikaw din,” aniya.

Dagdag pa niya, “Mahal, saan man ang byahe natin ay ako ang iyong pangalawang piloto. Gabay at tanglaw mo sa bawat hamon na itatapon sa iyo ng buhay. Mahal na mahal kita. Maligayang kaarawan.”

Related chika:

Partner ni Tuesday Vargas may matinding karamdaman: ‘I am in pain 24/7’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tuesday Vargas inulan ng pamba-bash, road manager ng love team na ‘nang-snob’ sa kanya nag-sorry

Tuesday Vargas naloka sa dalawang ‘ma-attitude’ na baguhang artista: Mahalin ang trabaho para mas madami pa kayong proyekto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending