BTS Jungkook binura ang IG account: I don’t think I’ll be using it from now on
TINIYAK ni Jungkook, ang main vocalist ng K-Pop sensation na BTS, na hindi na-hack ang kanyang Instagram account.
Kamakailan lang kasi, maraming fans ang nag-aalala sa biglaang pagkawala ng nasabing social media account ni Jungkook.
Pero sa pamamagitan ng fan platform na Weverse, kinumpirma ng BTS member na nag-deactivate na siya sa IG.
Ang kanyang dahilan, hindi na raw niya kasi ito nagagamit.
Sey niya sa Weverse, “I deleted my Instagram account. It wasn’t hacked. I just deleted it because I wasn’t using it much… So don’t worry!”
Sa isa pang post, inanunsyo ni Jungkook na patuloy pa rin naman siyang makikipag-ugnayan sa fans gamit ang Weverse Live.
“I immediately deleted the [Instagram] app too, and I don’t think I’ll be using it from now on! I just wanted to let you know in advance!,” aniya.
As of last week, ang Instagram account ni Jungkook ay mayroon nang 51 million followers.
Siya ang ikalawang Korean celebrity na may pinakamaraming followers sa nasabing platform at ang nangunguna naman diyan ay ang ka-grupo niya na si Taehyung o mas kilala bilang “V.”.
Matatandaang noong December 2021, sabay-sabay na nagbukas ng IG account ang pitong miyembro ng BTS.
Related chika:
Eleazar tiniyak na isusulong ang sapat na pondo para sa North-South commuter railway
Internet sensation Sofi Fermazi pangarap maka-duet sina Sarah at Moira; crush na crush si Donny
Liza Soberano nagparamdam na matapos mabura ang pictures sa IG: Life update soon…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.