Internet sensation Sofi Fermazi pangarap maka-duet sina Sarah at Moira; crush na crush si Donny | Bandera

Internet sensation Sofi Fermazi pangarap maka-duet sina Sarah at Moira; crush na crush si Donny

Ervin Santiago |May 24,2022
facebook
share this

Internet sensation Sofi Fermazi pangarap maka-duet sina Sarah at Moira; crush na crush si Donny

Ervin Santiago - May 24, 2022 - 03:13 PM

Donny Pangilinan at Sofi Fermazi

PROMISING ang baguhang female singer at online sensation na si Sofi Fermazi na unang nakilala ng madlang pipol sa mga ginagawa niyang covers sa YouTube.

In fairness, sa edad na 17, at kahit NBSB (no boyfriend since birth) ang dalagita, hugot na hugot pa rin ang kanyang performance sa kanyang mga YouTube vlogs na parang ang dami nang experiences sa buhay.

Si Sofi ay produkto ng musical workshops ng OPM icon at composer na si Vehnee Saturno.
Napanood na namin ang ilan sa mga covers niya sa YouTube tulad ng mga version niya ng hit songs nina Adelle, Cristina Perry, Ed Sheran, Coldsplay, Adele, Justine Bieber, pati na rin ng mga kanta nina Moira dela Torre, Ben&Ben, Zack Tabudlo, Kitchie Nadal, Yeng Constantino at marami pang iba.

Nakachikahan namin kamakailan si Sofi kasama ang manager niyang actor-director na si Perry Escano at dito nga siya nagkuwento tungkol sa kanyang singing career.

“Bata pa po kasi ako, hilig ko na pong kumanta. I had my first composition also at 10. Then, nagtuluy-tuloy na po,” pahayag ni Sofi na pwedeng-pwedeng pumasang K-Pop o P-Pop member dahil sa kanyang Korean aura.

Natanong din namin siya kung na-try na niyang mag-join sa mga reality singing search na karaniwang nagiging stepping stone ng mga aspiring singers para sumika at makilala sa music industry.

“I used to join singing contests po in school tapos kumakanta rin po ako sa church choir na isa rin po sa naging training ko,” aniya pa.

Paano nga ba siya na-discover ni Direk Perry? “Nagkaroon kasi ako ng advance acting workshop last August at isa si Sofi sa new artists doon. Isa siya sa nag-enrol sa acting workshop na in-organize ng grupo namin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sofi Fermazi (@sofifermazi)


“Nalaman ko na kumakanta si Sofi dahil noong bata pa siya ay na kay Vehnee Saturno siya, eh. So, maganda yung boses niya, pinag-aralan namin ng mga kasamahan ko and we decided na i-manage siya ng group namin, ng MPJ Network. So, isa si Sofi sa pool of artists ng MPJ and soon po ay may ila-launch pa kaming ibang artists po.

“Si Sofi ay very talented, even though she’s very young, makikita mo yung passion niya sa music na nandyan talaga,” papuri pa ni Direk sa kanilang bagong talent.

Dalawa sa mga super idol ng dalaga ay sina Sarah Geronimo at Moira dela Torre na kabilang sa mga naging music influence niya sa pagiging singer and performer.

Wish niya na maka-duet ang dalawang Kapamilya stars in the future, “But right now, open din po ako to collaborate with my favorite artists.”

Sundot na tanong namin sa kanya, kung balak din niyang pasukin ang pag-aartista lalo’t isa ring direktor ang manager niyang si Perry Escano.

“Why not po, gusto ko rin siyang ma-try pero po sa ngayon, priority ko ang singing but I am not closing doors to acting,” sabi ni Sofi.

At kung mabibigyan daw siya ng chance na magkaroon ng acting project, gusto niyang makasama  ang kanyang crush na si Donny Pangilinan.

Bilib na bilib daw kasi siya sa pagiging versatile artist ng ka-loveteam ni Belle Mariano. Aside from being a good actor, isa rin itong magaling na singer at VJ at napaka-wholesome pa.

Nakatakda nang ilunsad ang kanyang debut album na “Rain Inside Us” na iri-release ng Star Music. Dito, makaka-collaborate niya ang ilan sa mga ABS-CBN artists.

Sey ni Sofi, “So yung name po ng album na we’re working on po is called Rain Inside Us, bale may tatlong songs po ako roon. Mayroon din pong ibang artists dito from ABS CBN and it will be released po by Star Music.”

Magiging bahagi rin siya ng “Fun Nights Only,” isang Kumu entertainment show na streaming live tuwing Sabado ng gabi. Kamakailan, nag-perform din siya sa 2022 Asia Pacific Luminare Awards (for celebrity awardees), na idinaos sa Okada Manila.

Siya rin ang umawit ng Tagalog version ng “Hero” ni Bonnie Tyler, ang jingle song sa kampanya ni Manila Mayor Isko Moreno na nag-viral online.

https://bandera.inquirer.net/295353/ivana-aminadong-nakakausap-si-joshua-alam-ko-nasa-taping-siya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/300020/chie-filomeno-crush-si-kyle-echarri-sobrang-talented-niya
https://bandera.inquirer.net/303905/daniel-ibinuking-ang-matinding-crush-noon-ni-joshua-sa-young-actress-na-mommy-na-ngayon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending