Ayoko nang mag-asawa, matanda na'ko! – LORNA | Bandera

Ayoko nang mag-asawa, matanda na’ko! – LORNA

Ervin Santiago - October 10, 2013 - 03:00 AM


FINAL na ang desisyon ni Grandslam Queen Lorna Tolentino – hinding-hindi na siya mag-aasawa uli, wala na siyang balak palitan pa ang yumaong asawang si Rudy Fernandez.

Nagsasalita na raw siya nang tapos at talagang may period at exclamation point pa! Sa presscon ng bagong teleserye ni Lorna sa GMA 7, ang Genesis na pagbibidahan din nina Dingdong Dantes, TJ Trinidad at Rhian Ramos na magsisimula na sa Oct. 14 sa GMA TeleBabad, sinabi ng aktres na wala na siyang balak pang magkaroon ng bagong lalaki sa kanyang buhay.

“Oo, never na, and ever! Yes, unang-una kasi matanda na ako, sorry, matanda na ako. Pangalawa, nandiyan naman ang mga anak ko, sa kanila ko na lang ibubuhos ang panahon ko, pangatlo, may apo na rin ako.

So, mas nakakapagbigay pa sa akin ng challenge, ng energy yung apo ko na makakarga ko, maipapasyal ko. “Sila ang nagbibigay sa akin ng motivation to really be fit and healthy. Gusto ko kasi siyang (apo) abutan hanggang sa lumaki siya.

So, yun na lang ang aasikasuhin ko, at alam kong matutuwa rin sa desisyon ko si Daboy,” paliwanag ni LT na gaganap na pangulo ng Pilipinas sa Genesis.

Sey pa ng award-winning actress, masaya na siya sa pagiging single, at naniniwala siya na lagi lang nakabantay sa kanilang mag-iina si Daboy.

Samantala, isa na namang malaking challenge para kay LT ang role niya sa Genesis na tatalakay sa pagdating ng “end of the world”. Inamin ni Lorna na mas mahirap ang trabaho nila sa seryeng ito kesa sa last soap opera niya sa GMA na Pahiram Ng Sandali kung saan nakasama rin niya si Dingdong.

“Kasi, hindi lang ito basta drama, maaksiyon din ito at kailangan makatotohanan ang ipakikita naming lahat dahil tungkol nga ito sa mga posibleng mangyari sa ating bansa kapag dumating na ang katapusan ng mundo.

May mga dialogues kasi rito na talagang hindi ako pamilyar dahil hindi naman talaga ako nasabak sa politika, though may mga kaibigan naman tayo na nasa politics, so, kahit paano may knowledge ka naman sa mga nangyayari sa mundo ng politika.

“Pero yung mga protocol sa pagiging presidente, may chief of staff, may ganito, may ganyan, ‘yung tamang pagsaludo, nagtanong talaga ako sa mga military.

Tsaka, kapag presidente di ba, yung mga damit, kailangan magmukha talaga akong pinakamataas na tao sa Pilipinas. Nag-provide naman ang production kasi hindi naman talaga ako mahilig sa mga suit, e.

“Mas mabigat sa Pahiram Ng Sandali, kasi it was a family drama, ito iba, buong Pilipinas na ang hinahawakan mo, end of the world na.

So, medyo alarming nga siya, pero tiyak na mawawala ang takot nila kasi malalaman nila kung ano ang dapat nating gawin kung sakaling dumating na nga ang end of the world,” kuwento ni LT.

In fairness, sa trailer pa lang ng Genesis, siguradong itinodo na naman ng GMA ang budget, kasi bukod sa malalaking artistang kasali rito, napakarami ring special effects ang kailangang gawin, “At ang hirap niyang gawin talaga, maraming mangyayari, yung asteroids lang na bumagsak, may tsunami, ‘yung pagbuka pa ng lupa, so sure akong mahal talaga ang Genesis,” pagmamalaki pa ni LT sa bago nilang serye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending