Nadine may pasilip sa unang YouTube vlog, bata pa lang ‘bibo kid’ na: Training for this since ‘99
NAGLABAS na ng pasilip ang aktres na si Nadine Lustre para sa kauna-unahan niyang YouTube vlog.
At ‘yan ay ibinandera niya mismo sa kanyang Instagram account.
Mapapanood sa IG post ang isang throwback video na kung saan ay nasa edad anim pa lamang siya.
Makikita rin na kahit hindi pa nauuso ang YouTube vlogging noon ay tila mala-vlogger na ang kanyang peg.
Naibahagi pa nga ni Nadine na sa murang edad ay pinasok na niya ang mundo ng showbiz na kung saan ay ipinakita niya ang ilang litrato ng kanyang taping para sa isang commercial.
Halata namang proud na proud ang aktres sa throwback video at sinabi pa niya sa caption ang katagang, “training for this since ‘99.”
Sinabi niya rin na ang nasabing video ay kabilang sa mga ia-upload niya sa kanyang YouTube channel.
Saad niya sa IG, “…uploading soon. YT link in bio.”
View this post on Instagram
Kamakailan lang ay inanunsyo ni Nadine na pinasok na rin niya ang mundo ng vlogging.
Sinabi pa niya na excited na siya sa bagong pagkakaabalahan at nanghingi pa siya ng suggestions para sa magiging content ng kanyang pagva-vlog.
please tweet me your content suggestions also! pic.twitter.com/49NGlkwFn6
— Nadine Lustre (@hello_nadine) February 15, 2023
As of this writing ay nakapag-upload na ng intro video si Nadine sa kanyang YouTube channel at ang kanyang account naman ay umaani na ng mahigit 41,000 subscribers.
Ang huling milestone ng aktres ay ang pagkapanalo niya bilang “Best Actress” sa 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) nitong Disyembre matapos pagbidahan ang horror film na “Deleter.”
Related chika:
Alex Gonzaga may payo sa mga aspiring vloggers
Zeinab Harake kumikita nga ba ng P7.2-M sa YouTube?
Nadine umaming ‘masokista’ pagdating sa pagpili ng project: Gusto ko po kasi yung nahihirapan ako
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.