John Arcilla in-edit na ang IG post tungkol sa parangal ng Senado matapos talakan ni Erik Matti, pero inokray pa rin ng bashers: 'Kundi ka pa na call- out' | Bandera

John Arcilla in-edit na ang IG post tungkol sa parangal ng Senado matapos talakan ni Erik Matti, pero inokray pa rin ng bashers: ‘Kundi ka pa na call- out’

Ervin Santiago - February 26, 2023 - 10:00 AM

John Arcilla in-edit na ang IG post tungkol sa parangal ng Senado matapos talakan ni Erik Matti, pero inokray pa rin ng bashers

Erik Matti at John Arcilla

MATAPOS maglabas ng sama ng loob ang award-winning filmmaker na si Erik Matti, in-edit na ni John Arcilla ang kanyang Instagram post para sa parangal na iginawad sa kanya ng Senado.

Sa pamamagitan ng pagsusulong ng actor-public servant na si Sen. Lito Lapid sa Senate Resolution 490, pinarangalan ng Senado si John Arcilla at iba pang Filipino artists na kinilala ang mga talento sa iba’t ibang bansa.

Last September, 2021, ginawaran ng Volpi Cup ang veteran actor para sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang “OTJ: The Missing 8” sa 78th Venice Film Festival.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nagpasalamat si John sa mga nakatulong at  nakasama niya sa mga nagawang proyekto na naging daan para makatanggap ng mga local at international award.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JOHN ARCILLA Official (@johnarcilla)


Pero umalma nga si Direk Erik nang hindi man lang nabanggit ni John sa kanyang social media post ang titulo ng kanilang pelikula na kanyang idinirek.

Kahit daw ang Star Magic na humahawak sa career ni John na nag-post ng art card hinggil sa parangal na ibinigay ng Senado ay walang nabanggit tungkol sa pelikula.

“Ano kayang movie nakapanalo kay @johnarcilla ng Volpi cup? Ni hindi man lang nila ma-mention ni @starmagicphils yung movie na nagbigay sa kanya ng parangal?

“Medyo in-expect ko na yun sa Abs na di mag-mention kasi nung may prangkisa pa sila ganun na sila e. Pag di pabor sa kanila, dedma. Pero yung mismong artista ng pelikula di man lang ma-mention ang movie?”

“Pwera na kaming mga gumawa, ok lang di masabi pero sana yung movie man lang i-acknowledge. Ang Senado nga ni-recognize mismong movie na pinanalunan mo pero ikaw di mo ma-mention?”

“Ako na magsasabi, ‘Salamat sa On The Job: The Missing 8 na movie na binigyan ako ng pagkakataon magawa ang role ni Sisoy Salas na ikinapanalo ko ng Venice Film Festival Volpi Cup award nu’ng 2022.’

“Lahat ng sponsor mo sa derma at diet mo minention mo yung movieng nagpanalo sa’yo di mo masabi?!!

“Bastos kayo!” ang matapang at diretsahang mensahe ng direktor kay John at sa Star Magic.

Kasunod nito, makikita na sa IG post ni John at ng Star Magic ang edited captions sa kanilang congratulatory post.

“On Feb 22, 2023 The Senate of the Philippines made a Resolution for yours truly about the works I have done on performing Arts and Film and specifically from the Accolades received by Our Film On the Job directed by Erik Matti and Produced by Reality Studios of Dondon Monteverde.

“The resolution No. 490 was Adopted by all the Senators and amended Officially as Resolution No 43.

“It is such an Honor to be recognized by Award giving bodies in our country most specially by Global Award giving bodies. But the Honor given by a Legislation in one’s Country is another thing.”

“Thank you so much tito Sen @senlitolapid and to all the senators who co-sponsored, co-authored and adopted the resolution for yours truly for our Film OTJ2 The Missing 8.

“Congratulations to our team, every time the 78th Venice and Volpi Cup is being mentioned I always feel that it is all of us in the team that is being recognized, not just me, so today I would like to congratulate the whole team of OTJ2 The Missing 8, Erik Matti, Don Monteverde and everyone from Reality Studio. God bless everyone and God bless our Country! Mabuhay!” ang kabuuang caption ni John Arcilla.

Ngunit kahit na binanggit na ng premyadong aktor ang titulo ng movie nila ni Direk Erik, may ilang netizens pa rin ang nagbengga kay John.

“May point naman po si direk. Give credits as a show of respect.”

“Baka sbrang na overwhelmed c mr.johnarcilla sa knyang natanggap na parangal kya nklimutan.”

“Kung di ka pa na call- out! nakakahiya at nakakalungkot na you didn’t mention the film and director who made it possible for you!”

“Next time, give credits if the credit is due.”

“Ewan pag napupunta ng Abscbn ung mga artista .. Yung iba lang ah.. Parang ang bibilis nila makalimot!? Hhmmmp.”

“Kalimutan na lahat hwag lng ung taong tumulong pra maabot mo ung kung anu nakuha mo ngyon….give credit where credit is due…nkakabastos nga din nman.”

Herlene Budol rumampa sa Senado, pinahanga sina Robin Padila, Bato dela Rosa, Raffy Tulfo at Bong Go

Erik Matti: Ang pinakaayaw ko talagang katrabaho ay ‘yung mga ‘p*kp*k’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kilalang aktor na dyowa raw ng designer ayaw nang makatrabaho ni Erik Matti, bakit kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending