Hollywood actor Russell Crowe bibida sa horror movie, based sa true story ng isang paring exorcist
ILANG buwan pa bago ang ghost month ay may pagbibidahan nang horror film ang award-winning Hollywood actor na si Russell Crowe.
Pinamagatan itong “The Pope’s Exorcist” na base mismo sa totoong kwento ni Father Gabriele Amorth, ang pari na Chief Exorcist ng Vatican.
Kalalabas lang ng trailer ng pelikula at punong-puno na ng katatakutan ang ipinakita rito.
Ang kwento ng nasabing horror film ay iikot sa imbestigasyon ni Father Gabriele sa isang batang lalake na sinaniban ng isang demonyo.
Bukod diyan ay ipapakita rin ng pari ang natuklasang sikreto sa Vatican na isang siglo na ang nakalilipas.
Makakasama ni Russell sa pelikula sina Daniel Zovatto, Alex Essoe at Franco Nero.
Ang pinagbasehan ng pelikula ay ang mga libro na may titulong “An Exorcist Tells His Story” at “An Exorcist: More Stories” na isinulat mismo ni Father Gabriele.
Samantala, para naman sa mga hindi masyadong kilala si Russell, ang ilan sa mga sikat niyang pelikula ay ang “Gladiator,” “A Beautiful Mind,” “The Nice Guys,” “L.A. Confidential,” at marami pang iba.
Matatandaang taong 1990 nang mag-umpisa sa acting career si Russell.
Ang una niyang pinagbidahan ay ang war drama film na “Prisoners of the Sun and The Crossing.”
Taong 1991 nang una siyang nabigyan ng award ng Australian Film Institute bilang “Best Supporting actor” para sa kanyang pagganap sa pelikulang “Proof.”
Related chika:
33 films maglalaban-laban para sa Top 8 ng Summer MMFF, ibabandera na sa Feb. 24
Hit songs ni Celine Dion ‘binuhay’ sa upcoming film na ‘Love Again’
American actor Ezra Miller bibida sa bagong DC superhero film na ‘The Flash’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.