Brendan Fraser maraming pinaiyak sa 'The Whale'; Pinoy cinematographer pinuri rin ng mga manonood | Bandera

Brendan Fraser maraming pinaiyak sa ‘The Whale’; Pinoy cinematographer pinuri rin ng mga manonood

Ervin Santiago - February 20, 2023 - 10:42 AM

Brendan Fraser maraming pinaiyak sa 'The Whale'; Pinoy cinematographer pinuri rin ng mga manonood

Brendan Fraser (Photo from A24 YouTube)

SIGURADONG hinding-hindi malilimutan ng mga Filipino fans ang Hollywood actor na si Brendan Fraser sa controversial movie niyang “The Whale” produced by A24.

Ibang-ibang Brendan Fraser ang mapapanood sa “The Whale” na idinirek ni Darren Aronofsky na ibinase sa 2012 play ni Samuel D. Hunter, na siya ring nagsulat ng adapted screenplay.

Sa pelikula, ginagampanan ni Brendan ang karakter ni Charlie, isang English teacher na sobrang obese at unti-unting lumalala ang health condition dahil sa walang patumangga niyang paglafang.

Ang tanging wish niya sa buhay ay ang muling makasama ang anak na si Ellie (Sadie Sink) na matagal na niyang hindi nakikita at nakakasama.

Bukod dito, magiging mahalagang bahagi rin ng kanyang buhay ang nurse na si Liz, played by Hong Chau, ang mysterious missionary, na ginagampanan ni Ty Simpkins, at ang kangyang ex-wife na si Mary,  portrayed by Samantha Morton.

Maraming pinaiyak si Brendan Fraser sa naganap na premiere night ng movie na ginanap sa Cinema 76 ng TBA Studios na matatagpuan sa Scout Borromeo, Quezon City. As in tagos na tagos naman kasi sa puso ang kanyang mga pasabog scenes.

Lalo na sa mga eksenang hirap na hirap na siya sa kanyang buhay dahil sa sobrang katabaan at sa mga pinagdaraanang pagsubok sa personal niyang buhay.

Napakagaling din ng gumawa ng kanyang makeup at prosthetics dahil sa makatotohanang itsura ng kanyang pagiging obese.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by TBA Studios (@tbastudiosph)


Komento nga ng mga nakapanood na ng “The Whale”, awang-awa sila sa kalagayan at kundisyon ni Charlie lalo na sa mga pagkakataong hirap na hirap na itong kumilos dahil sa kanyang mala-balyenang katawan (kaya tinawag na The Whale).

At knows n’yo ba na ang napakagandang cinematography ng movie ay ginawa ng Filipino-American na si Matthew Libatique na isang 2-time Academy Award nominee at longtime collaborator ni Direk Darren Aronofsky.

Nagkaroon ng world premiere ang “The Whale” sa 79th Venice Film Festival kung saan umani ng papuri si Brenan para sa natatangi niyang pagganap bilang si Charlie.

Nominado rin si Brendan sa 95th Academy Awards sa kategoryang Best Performance by an Actor in a Leading Role at sa 80th Golden Globe Awards para sa Best Performance by an Actor in a Motion Picture (Drama).

Mapapanood na ang “The Whale” sa mga sinehan nationwide simula sa February 22 sa pamamagitan ng TBA Studios na siya ring nag-distribute sa Pilipinas ng mga award-winning international movies na “Triangle of Sadness” ni Dolly de Leon, “Nocebo” starring Chai Fonacier, at “Plan 75.”

Sharon, KC pareho nang pang-international ang aktingan: Excited for you guys to see it!

Kim shookt sa ipinakita ni Xian sa ‘Always’: Hala! Ang galing niya, nakaka-in love lalo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marco Gallo hindi basta-basta maghuhubad sa pelikula: If every movie is good and it needs baring, yes, why not?!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending