Joel Lamangan ‘inatake’ sa puso habang ginagawa ang ‘Oras de Peligro’: Sabi ng doktor kung nagtagal-tagal pa, natuluyan na siguro ako’
PINAYUHAN na pala ng kanyang mga doktor ang veteran award-winning director na si Joel Lamangan na tumigil muna sa tuluy-tuloy na pagtatrabaho bago maging huli ang lahat.
Habang ginagawa niya ang pelikulang “Oras de Peligro” ay totoong inaatake na siya sa ng sakit sa puso kaya ang advice ng mga doktor, kailangang sumailalim siya agad sa bypass surgery.
Ito ang ikinuwento ni Direk Joel nang makapanayam kamakailan ng mga miyembro ng entertainment media sa naganap na presscon ng “Oras de Peligro” na magiging kalaban sa takilya ng “Martyr Or Murderer” ni Darryl Yap simula sa March 1.
Kontrobersyal ngayon ang “Oras de Peligro” mula sa Bagong Siklab Productions nina Atty. Howard Calleja at Alvi Siongco na isinulat nina Eric Ramos at Boni Ilagan.
Ang teaser ng pelikula na iikot sa naganap na 1986 EDSA People Power Revolution, “Huwag Pagtakpan ang Katotohanan. Igalang ang Kasaysayan” na sinasabing patutsada sa mga Marcos movie ni Direk Darryl.
View this post on Instagram
Inamin ni Direk Joel na patuloy siyang nakakatanggap ng death threats dahil sa pelikulang ito, “Maraming mga banta, pero hindi ako natatakot at hindi ako dapat matakot.
“Kasi kung matatakot ako, sino pa ang gagawa ng ganitong pelikulang pantapat sa kanila? Ang pagsasabi ba ng totoo ay dapat na ikatakot?
“Dapat tayong magpasalamat na may producers gaya ng Bagong Siklab Productions na willing mag-finance ng mga pelikulang nagsasabi ng totoo,” mariin niyang sabi.
“Ang gusto nilang gawin, pagtakpan ang katotohanan, baguhin ang kasaysayan at sila ang palabasing kawawa. Ang mga Pilipino talaga ang nagpatalsik kay Marcos noon sa Malacanang. Yun ang totoo at dapat, igalang natin ang kasaysayan,” aniya pa.
“Maaaring nabulag na nila ang mga kabataang Pilipino pero dapat, tayong mga Pilipinong nakaranas ng kung ano ang totoo, tayo’y magbantay at hindi pumayag na baguhin nila ang katotohanan at ang history.
“Aba’y kawawang-kawawa naman ang bayan natin dahil anim na taon pa silang nandiyan para baguhin kung ano ang tunay na naganap sa bansa natin,” saad pa ni Direk Joel.
Pag-amin pa niya, “Inaatake na ko sa puso while doing this and my doctor told me to stop. But I felt I have to finish this, kailangang magawa ko ito. I only went to the hospital for my bypass after I’ve completed the movie.
“The doctor said na kung nagtagal-tagal pa, natuluyan na siguro ako. But I’m glad sa natapos kong pelikula and I’m very proud of our movie,” lahad pa ng beteranong direktor sa isang panayam na naiyak pa dahil sa mga papuring natanggap mula sa mga nakapanood na ng nago niyang pelikula.
Binigyan ng R-13 “without cuts” ng MTRCB ang “Oras de Peligro”. Bida rito sina Cherry Pie Picache, Allen Dizon at marami pang iba.
Joel Lamangan nagpakatotoo: Maraming direktor na bago pa lang ay mayayabang na…huwag ganyan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.