Chito Miranda ibinebenta ang Parokya collectibles para tulungan si Gab, nagbabala ukol sa scammers | Bandera

Chito Miranda ibinebenta ang Parokya collectibles para tulungan si Gab, nagbabala ukol sa scammers

Therese Arceo |February 16,2023
facebook
share this

Chito Miranda ibinebenta ang Parokya collectibles para tulungan si Gab, nagbabala ukol sa scammers

Therese Arceo - February 16, 2023 - 07:29 PM

Chito Miranda ibinebenta ang Parokya collectibles para tulungan si Gab, nagbabala ukol sa scammers
NAGDESISYON ang Parokya ni Edgar frontman at bokalistang si Chito Miranda na ibenta ang ilang vintage stuff ng kanilang banda para makatulong na mag-raise ng funds para sa kanilang gitaristang si Gab Chee Kee.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan ng puting polo shirt na isinuot niya noon sa music video nila na “Bagsakan”.

“Naghanap ako ng Parokya stuff na pwede i-benta to help out Gab and his family, and found these sa cabinet ko sa bahay ko sa Qc,” panimula ng singer.

Chika pa niya, ang isa sa mga polo na isinuot noon ni Gloc-9 ay naibenta nila sa halagang P80,000.

Bukod pa rito ay nahanap rin niya ang puppets na kanilang ginamit sa “Halina sa Parokya” album covet na sina Mr. Suave at Chito Matsing.

Aniya, “Baka may interesado kumuha….please let me know sa comments section sa baba. Bigay natin sa magbigay ng best offer.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)

Base sa latest update sa Facebook page ng Parokya ni Edgar, umabot na ng P120,000 ang highest bid para sa polo samantalang P80,000 naman para sa mga puppets.

Ang bidding para sa mga Parokya ni Edgar collectibles ay magtatapos sa Lunes, February 21.

Samantala, nagbigay rin ng babala si Chito sa kumakalat na fake account na nagpapanggap bilang siya at ginawa pang cover photo ang larawan ng kanyang pamilya.

Bukod pa rito ay nag-post rin ito at sinabing bagong account daw ito para sa mga posts patungkol sa iba pang pangangailangan ni Gab.

“Ingat lang po! Nagkalat ang mga scammers,” babala ni Chito.

Kamakailan lang nang sumailalim si Gab sa isang surgery para sa sakit niyang lymphoma at dinalaw pa nga nila ito noong nagdaang Valentine’s Day.

 

“Hi all, we just came from visiting Gab this Valentine’s Day. He’s still at the ICU but steadily improving. Please keep sending positive vibes to him and praying for his full recovery. He says THANK YOU to all of you—friends, family, fans and even strangers who’ve extended help in whatever way or form,” ayon sa post ng PNE.

Related Chika:
Gitarista ng ‘Parokya ni Edgar’ nasa ICU, sey ni Chito: Matinding laban ‘to para sa kanya…at reresbakan natin siya

Chito Miranda sa kakulangan ng suporta sa local shows: Targeting foreign shows or acts is not the solution

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Eheads mag papa-auction ng gitara para kay Gab ng ‘Parokya ni Edgar’, kwento ni Chito: Sila ang ultimate idol namin!

Chito Miranda, FlowG may bonggang collab: Tapos na yung niluluto namin after 3 years!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending