KC Concepcion may pa-‘V-Day date reveal’, may bagong dyowa na ba? | Bandera

KC Concepcion may pa-‘V-Day date reveal’, may bagong dyowa na ba?

Pauline del Rosario |February 16,2023
facebook
share this

KC Concepcion may pa-‘V-Day date reveal’, may bagong dyowa na ba?

Pauline del Rosario - February 16, 2023 - 01:09 PM

KC Concepcion may pa-‘V-Day date reveal’, may bagong dyowa na ba?

PHOTO: Instagram/@kristinaconcepcion

NAGSULPUTAN ang maraming Marites sa naging Valentine’s Day post ng singer-actress na si KC Concepcion, ang panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta.

Ibinandera niya kasi sa isang Instagram video ang tila “date reveal” niya nitong February 14.

Napa-comment at nagtatanong tuloy ang netizens kung sino ang kasama niya at kung dyowa na nga ba niya ito.

Ito ang unang pagkakataon na ibinandera ng singer-actress ang ka-date umano.

Unang makikita sa Instagram video na sabay silang naglalakad at biglang pumaning sa kanilang masayang selfie.

Caption pa ni KC, “Happy Valentines, beautiful people [red rose emojis]”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KC ~ also, KRISTINA. (@kristinaconcepcion)

Libo-libo ang napa-comment sa nasabing post at tila kine-claim na nila para kay KC na ito na ang kanyang dyowa.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Parang ito na ang last feel ko. Siya na talaga para kay KC [red heart emojis]”

“ipagdarasal kita anak na lagi kang maligaya. Deserve mo ‘yan kasi mabait kang bata enjoy mo lang ang life mo nak.”

“This is it pancit! So happy for you. Praying for love and light [red heart emoji]”

Kung maaalala, huling na-link si KC sa Filipino-American rapper at miyembro ng American musical group na “Black Eyed Peas” na si Allan Pineda Lindo o mas kilala bilang apl.de.ap.

Ngunit klinaro mismo ni KC sa isang panayam noong nakaraang taon na talagang malapit lang sila sa isa’t-isa.

Diin ng celebrity, “No, hindi kami. very close kami, I love the guy, I respect him, I admire him, I really… natatawa ako, like pinapatawa niya ako nang sobra-sobra, mabait siya sa akin. Hindi naman (nanliligaw), he’s very busy on tour as well.”

Bukod sa rapper, ilan pa sa mga kumalat na nakarelasyon ni KC ay mga aktor na sina Piolo Pascual, Paulo Avelino, Filipino-American footballer na si Aly Borromeo, at French film producer na si Pierre Plassart.

Related chika:

Malditang singer-actress naboldyak ni actor-director, tsinugi sa teleserye dahil sa kayabangan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sharon, KC pareho nang pang-international ang aktingan: Excited for you guys to see it!

KC sa COVID-19 journey: Hay, 10 days na…Lord sana OK na talaga ako, kumakapit pa rin sa meds at mask

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending