Derek may uupakan sa kama; Alice di nag-anak, iningatan ang boobs
NABITIN kami sa ipinalabas na pilot episode ng bagong weekly teleserye ng TV5 na For Love Or Money na pinagbibidahan nina Derek Ramsay at Alice Dixson kasama sina Ritz Azul at Edward Mendez na mapapanood tuwing Huwebes ng gabi simula sa Oct. 17.
Mukhang promising ang bagong proyektong ito ng Kapatid network dahil halos lahat ng nakapanood ng unang episode nito sa ginanap na press launching noong Lunes ay naapektuhan at super react sa mga eksena nina Alice, Derek at Ritz.
Ang kuwento kasi ng For Love Or Money ay tungkol sa isang mag-asawang (Derek at Ritz) na nag-aambisyong magkaroon ng magandang buhay, as in ginagawa nila ang lahat para maging maligaya sa kabila ng pagiging kapos sa pera. Hanggang sa umeksena si Alice na handang magbayad ng milyun-milyon makuha lang ang lalaking (Derek) magpapaligaya sa kanya.
Sa huling eksena ng pilot episode, ipinakita ang pag-alok ni Alice ng P5 million kay Derek kapalit ng kanyang katawan at pagkatao. Kinuha ni Derek ang tseke at biglang hinalikan sa labi si Alice. Cut! Itutuloy! Ha-hahaha!
O, di ba? Nakakabitin naman talaga. At sinadya nga raw ‘yan ng kanilang direktor na si Mac Alejandre para siguraduhin na hindi bibitiw sa kanilang serye ang mga manonood. At nagtagumpay naman sila, du’n ha!
Anyway, sa huling proyektong pinagsamahan nina Alice at Derek sa TV5, ang Undercover, literal na nag-upakan sila sa mga maaksiyong eksena, pero dito sa For Love Or Money, mukhang iba naman ang kanilang ihahain sa publiko.
“Oo, pero mag-uupakan din kami dito ni Alice! Ha-hahaha!” chika ni Derek na ang tinutukoy nga ay ang mga halikan at bed scene nila ng aktres. Grabe raw ang mga maiinit nilang eksena rito kaya sana raw ay hindi sila mapag-initan ng MTRCB.
Idagdag pa ang mga eksena kung saan walang takot na nag-two-piece si Alice habang kinukunan ng litrato ni Derek. Grabe, pero maalindog pa rin si Alice kahit na nasa 40s na ang kanyang edad. Maganda pa ring tingnan ang kanyang boobs. As in pwedeng-pwede pa ring isabak si Alice sa mga sexy films, talbog ang mga hubaderang starlet na nagkalat sa tabi-tabi. Ha-hahaha! May nagsabi naman na baka talagang desisyon ni Alice ang hindi magka-baby para ma-maintain niya ang kanyang gorgeous and sexy body.
At bukod diya, siyempre, meron ding mga intimate scenes sina Derek at Ritz na gumaganap ngang mag-asawa sa kuwento. Kaya kung gusto n’yong makapanood ng isang adult drama na may katuturan at may social relevance, tutukan na ang For Love Or Money tuwing Huwebes, 9:30 p.m. sa TV5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.