PAGASA: LPA sa labas ng bansa magpapaulan sa Mindanao, E. Visayas at Bohol | Bandera

PAGASA: LPA sa labas ng bansa magpapaulan sa Mindanao, E. Visayas at Bohol

Pauline del Rosario - February 13, 2023 - 10:39 AM

PAGASA: LPA sa labas ng bansa magpapaulan sa Mindanao, E. Visayas at Bohol

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

BINABANTAYAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng Mindanao.

Ayon sa press briefing ng Weather Bureau ngayong February 13, maliit ang tsansa nitong maging isang ganap na bagyo, ngunit inaasahan na magdadala ito ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

At ‘yan ay dulot daw ng tinatawag na “Through” o buntot ng LPA, ayon kay Weather Specialist Obet Badrina.

“Sa ngayon ho, masasabi natin na parang maliit ang sirkulasyon nito ay hindi pa ganun ka-develop,” sey ni Badrina.

Patuloy pa niya, “Ang inaasahan natin, ang ‘Trough’ niya rito sa bahagi ng Mindanao, Ito ‘yung magdadala ng maulap na kalangitan na may pag-ulan partikular na nga sa malaking bahagi ng Mindanao. ‘Yan po ‘yung ‘Trough’ o extension nitong Low Pressure Area sa labas ng Philippine Area of Responsibility.”

Bukod sa Mindanao, asahan ang mga ulan sa bahagi ng Visayas at Bohol.

“Samantala, asahan pa rin natin ang maulap na kalangitan partikular na sa Eastern Visayas at bahagi ng Bohol dulot pa rin ng trough,” saad ng weather specialist.

Samantala, ibinalita naman ng PAGASA na magiging maaliwalas at maganda ang panahon pagdating sa Luzon.

Saad ni Badrina sa presscon, “Sa nalalabing bahagi ng bansa, partikular na nga dito sa Luzon, makikita niyo halos walang kaulapan ay patuloy ang pag-iral ng Northeast Monsoon o Hanging Amihan kaya generally fair weather pa rin sa bahagi ng Luzon at ng Kabisayaan liban na lamang mga pulo-pulong mga mahihinang pag-ulan, may pagkidlat at pagkulog pa rin ho.”

Read more:

LPA sa Mindanao posibleng maging bagyo, ‘gale warning’ nakataas sa malaking bahagi ng bansa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

PAGASA: Walang bagyo sa mga susunod na araw, LPA at amihan magpapaulan sa bansa

PAGASA: LPA inaasahang papasok sa bansa, patuloy na nagpapaulan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending