Celeste Cortesi bumandera sa ‘Darna’ finale: Lumaban at patuloy na lalaban
MARAMI ang napahanga nang lumabas si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa final episode ng TV series na “Darna”.
Bukod pa rito ay labis ring hinangaan ang galing nito sa pagsasalita ng wikang Filipino nang gampanan nito ang pagiging Queen of Marte” sa teleserye.
Dinalaw nga ng karakter ni Celeste si Darna (Jane de Leon) upang pasalamatan ito sa kaniyang mga efforts upang panatilihing ligtas ang mundo.
Saad ni Queen Marte, “Nagtagumpay ka sa misyon mo. Tunay kang anak ng magiting na mandirigmang si Zorra, matapang at maaasahan. Nararapat kang maging protektor.
“Maraming salamat sa mga sakripisyo mo. Dahil sa ginawa mo, nailigtas mo hindi lang ang mundo, kundi ang buong kalawakan,” dagdag pa ng karakter ni Celeste.
Nagbahagi rin ang dalaga sa kanyang Instagram account patungkol sa naging role niya sa “Darna” super finale at kung paano siya naka-relate sa superheroine.
Sey ni Celeste, “Just like Darna.. lumaban at patuloy na lalaban.
“Taking on the role of Kevnar, The Queen of Marte is definitely a new experience and challenge. Just like any other challenge, I take it as an opportunity to learn and to grow.
View this post on Instagram
It is true that when one door closes, another one opens, it’s all about seizing the moment and being grateful for the chance to work hard and to learn more about myself. Here is to new beginnings and to new adventures.”
Nagpasalamat rin si Celeste sa Kapamilya network dahil sa ibinigay na oportunidad sa kanya.
“Thank you to everyone at ABS-CBN and Darna for allowing me to be a part of this iconic show that celebrates women empowerment.”
Matatandaang bago ang cameo role ni Celeste sa Kapamilya teleserye ay nag-ala Darna ito sa kanyang national costume sa ginanap na Miss Universe 2022 na ginanap sa New Orleans, USA.
Bagamat hindi niya nasungkit ang korona ay nasungkit naman nito ang puso ng mga Pilipinong labis ang pagmamahal at suporta sa kanya.
Related Chika:
Celeste Cortesi rumampa bilang Darna sa Miss Universe 2022 National Costume preliminary competition
Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi nahihiyang umamin noon na nagtrabaho bilang cashier, pero…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.