NAGBUKAS na naman ng pintuan ang tinaguriang Primetime King ng Kapamilya network na si Coco Martin sa mga ordinaryong tao para maging parte ng bago nitong teleserye na “FPJ’s Batang Quiapo”.
Binibiro nga ang Kapamilya star dahil hindi lang daw siya direktor/aktor/producer at creative consultant kundi talent scout na rin dahil may mata siya sa mga may potensyal at hindi naman siya nagkamali dahil marami siyang nabigyan ng career sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”
At muling naulit ngayon sa “FPJ’s Batang Quiapo”, mga social media influencers naman ang isinama ni Coco sa kuwento tulad ng mag-asawang vloggers na sina Lovely at Norvin De la Pena na may 801,000 subscribers sa YouTube channel VinFBP.
Sabi ni Lovely, “Ako po si Joy sa Batang Quiapo at siyempre po sa isang community hindi mawawalan ng Marites at isa po ako.”
Say naman ng asawa niyang si Norvin, “Ang pangalan ko po ay Norman, ako po ‘yung asawa niya at as usual under din po ako sa istorya nagba-vlog din po kami. Kuwento ko lang po nu’ng kinontak po kami for Batang Quiapo siyempre hindi po namin alam kung ano ‘yung Batang Quiapo. Sinearch po namin at si Direk Coco (Martin) pala.”
Hindi pala alam nina Lovely at Norvin na may pelikulang “Batang Quiapo” noon si Da King, Fernando Poe. Jr at Maricel Soriano.
Pero kaagad namang sabi ni Norvin, “pero nanonood po kami ng Ang Probinsyano. Sabi namin baka ito ang ipapalit sa Probinsyano tapos nagtatalon na ‘to (sabay tingin sa asawang si Lovely). Salamat po kay direk Coco saka hindi kop o alam na magkakatotoo ito, dati sa TV ko lang napapanood ‘tong mga ‘to (sabay tingin sa mga artista), ngayon makaka-work ko na. Maraming salamat po sa lahat sa bumubuo ng Batang Quiapo.”
Ang sikat na si Toni Fowler bilang si Chicky, “Sa Batang Quiapo po ang role ko ay nagbebenta po ako ng mani (tawanan ang lahat). Maganda ang role ko kasi medyo relate sa buhay ko at wala akong ideya kung paano umarte kaya ang role ko ay bad influence na magi-influence kay Ms Lovi (Poe) ang aking beshie na mapupunta sa maling landas.
“Actually, sobrang thankful po ako kasi ‘yung pinsan ko ang nakabasa ng email (for BQ), e, ‘yun po baliw na baliw po sa Ang Probinsyano umiiyak po kapag may nakaka-break si direk Coco kasi medyo marami siyang naging partner (girlfriends), di ba? Kaya talon ng talon po. Pero sabi ko baka raw scam hindi totoo (email), tinry ko nagpunta kami so totoo. So, wala akong masabi galing po sa puso ko na sobrang thankful ako kasi hindi lahat ng social media artists na nabibigyan ng pagkakataon maging artista.
“Sabi ko nga po kay direk Coco na lahat pupuwedeng mag-open ng Youtube channel pero hindi lahat nakakatuntong ng sa TV. Sobrang thankful po, isipin ninyo ang daming mabibigat na artista pero isinasama niya kami kahit saan, walang malaki, walang maliit, walang beterano kahit nagsisimula palang. Salamat po talaga.”
Ang katwiran naman ni Coco kung bakit pinili niya ang grupong ito.
“Kasi siyempre nabubuhay tayo sa social media, may mga vloggers ganyan. Ako kasi pag nagpapa-antok ako search lang ako ng search sa youtube kasi wala naman akong ibang social media kundi viber lang at youtube tapos lahat sina pina-follow ko kasi natutuwa ako sa bawa’t character nila.
“Like si Mamonth hindi ninyo alam champion ‘yan ng MMA. Nu’ng nagbubuo ako ng community naghahanap ako ng totoong tao, e, alam ko sa pamamagitan nila makaka-relate ang maraming tao, mga taong nangangarap tulad ni Marlon, sabi ko sinong magbibigay ng oportunidad bakit hindi mo bibigyan ng pagkakataon. Napabilib ako sa galing niyang umarte bilang pulubi, siguro kasi mga totoo silang tao. Nu’ng nagsisimula palang kinausap ko sila na ang gusto ko ‘yung propesyunal sa trabaho, hindi importante sa akin ang mahusay kasi ang husay natutunan later on,” paliwanag ni direk Coco.
Anyway, mapapanood na ang “FPJ’s Batang Quiapo” sa Lunes, Pebrero 13 na isang action comedy series ni Coco bilang si Tanggol/Baldo, isang pasaway ngunit mapagmahal na anak sa kanyang nanay (Cherry Pie Picache), tatay (John Estrada), lola (Charo Santos), at nakababatang kapatid (McCoy de Leon).
Gagampanan naman ni Lovi si Mokang, ang magandang kaibigan ni Tanggol na magpapakilig bilang kanyang “partner in crime.”
Kasama rin sa cast sina Benzon Dalina, Mark Lapid, Ronwaldo Martin, Jojit Lorenzo, Ping Medina, Mercedes Cabral, Alan Paule, Lou Veloso, Susan Africa, Pen Medina, Sen Lito Lapid, Irma Adlawan, at Christopher de Leon, kasama ang co-director ni Coco na si Malu Sevilla.
Abangan sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.
Related Chika:
Coco Martin nailang sa ‘rape scene’ nila ni Miles Ocampo sa ‘Batang Quiapo’: ‘Baby-baby ko kasi talaga siya’
Confirmed: Coco Martin, Lovi Poe magtatambal sa remake ng ‘Batang Quiapo’ nina FPJ at Maricel