Coco hindi nape-pressure sa 'Batang Quiapo': Nagdarasal ako na sana malampasan 'yung nagawa namin sa 'Ang Probinsyano' | Bandera

Coco hindi nape-pressure sa ‘Batang Quiapo’: Nagdarasal ako na sana malampasan ‘yung nagawa namin sa ‘Ang Probinsyano’

Ervin Santiago |February 09,2023
facebook
share this

Coco hindi nape-pressure sa ‘Batang Quiapo’: Nagdarasal ako na sana malampasan ‘yung nagawa namin sa ‘Ang Probinsyano’

Ervin Santiago - February 09, 2023 - 08:10 AM

Coco hindi nape-pressure sa 'Batang Quiapo': Nagdarasal ako na sana malampasan namin 'yung nagawa namin sa Ang Probinsyano

Lovi Poe at Coco Martin

HINDI nape-pressure ang Kapamilya Teleserye King na si Coco Martin sa bago niyang project sa ABS-CBN, ang “FPJ’s Batang Quiapo”.

Pero totoong hiling at dasal ni Coco na sana’y matapatan o malagpasan pa nila ang tagumpay at ang pitong taong pamamayagpag sa ere ng “FPJ’s Ang Probinsyano” habang papalapit na nga pagsisimula ng “Batang Quiapo.”

Sa naganap na grand mediacon ng nasabing programa kamakalawa, February 7, ang mahalaga raw ngayon para sa kanya ay nag-eenjoy ang lahat ng cast members at buong production sa kanilang serye.

“Actually, hindi ako nape-pressure or hindi ko rin iniisip ‘yung timeline basta para sa akin i-enjoy namin lahat ang moment, ‘yung project.

“Kasi, naniniwala ako na basta, nagmamahalan kayo, nagrerespetuhan kayo at gustong-gusto niyo ‘yung ginagawa niyo, magbubunga ‘yan eh,” pahayag ni Coco.

Sa tanong kung sigurado ba siyang magugustuhan din ng Kapamilya viewers ang “Batang Quiapo” tulad ng “Ang Probinsyano”, “Ang makakasagot niyan siyempre ‘yung mga manonood kaya kami bilang kami ‘yung taga-production, kami ‘yung gumagawa nitong teleseryeng ‘to, pinagbubuti namin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


“Kasi alam namin na hangga’t pinagbubuti namin ‘yung trabaho namin at napapasaya namin ‘yung mga manonood, nandito kami at hangga’t okay ang lahat, okay kami, may trabaho kami,” tugon ng award-winning actor.

Aniya pa, “Sinasabi ko lagi, mahirap akong katrabaho kasi hindi pwede sa akin ‘yung pwede na, sinu-sure ko na dapat ‘yung quality, ‘yun ibibigay natin sa mga manonood, ‘yung tiwala at oras na ilalaan nila sa atin dapat sinusuklian natin ‘yon dahil sila ang dahilan kung bakit meron tayong trabaho.

“Gusto ko binabalik namin sa management o kung sino man ‘yung nangangalaga sa amin na kung ano man ‘yung binilin sa amin o pinagkatiwala sa amin dapat sinusuklian namin ‘yon.

“Kaya sana, nangangarap ako, nagdadasal ako na sana hindi lang matapatan, ang pangarap ko rito, malampasan ‘yung nagawa namin sa FPJ’s Ang Probinsyano,” dagdag pa ng aktor.

Ang “Batang Quiapo” ay isa ring classic Fernando Poe, Jr. movie kung saan nakatambal ng Action King ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Ito ang papalit sa “Mars Ravelo’s Darna” nina Jane de Leon, Joshua Garcia at Janella Salvador na magtatapos na ngayong Biyernes.

Makakasama rin sa “Batang Quiapo” sina Lovi Poe, Charo Santos, John Estrada, Cherry Pie Picache, McCoy de Leon at marami pang iba, mula sa direksyon ni Malu Sevilla.

Lito Lapid proud tatay sa mga na-achieve ni Ysabel Ortega sa GMA 7: ‘Ang galing na bata! Congratulations, anak!’

Confirmed: Coco Martin, Lovi Poe magtatambal sa remake ng ‘Batang Quiapo’ nina FPJ at Maricel

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sharon Cuneta miss na ang mga nakatrabaho sa ‘Ang Probinsyano’, bet makasama sa cast ng ‘Batang Quiapo’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending