Miguel Tanfelix naging ‘dyowa’ sina Barbie Forteza, Bianca Umali, at Kyline Alcantara

Miguel Tanfelix naging ‘dyowa’ sina Barbie Forteza, Bianca Umali, at Kyline Alcantara

MATINDI ang naging rebelasyon ng Kapuso actor na si Miguel Tanfelix tungkol sa kanyang past relationships.

Ang pagbubunyag ni Miguel ay nangyari nitong February 9 matapos maging guest sa show ng “King of Talk” na si Tito Boy na “Fast Talk with Boy Abunda.”

Sa “The Talk” segment, isa-isang ipinakita ni Tito Boy ang litrato ng tatlong Kapuso actress na naging parte umano ng buhay ng aktor.

At diretsahan namang sinagot ni Miguel ang bawat tanong na ibinato sa kanya tungkol dito.

Unang ipinakita ng TV host ang picture ni Barbie Forteza at sabay tanong kung niligawan ba niya ito at kung naging sila.

Mabilis na sagot ng aktor, “Yes po. Pino-post ko po siya dati…naging kami po. Naalala ko po kapag bumibisita ako sa set nila, pino-post ko po ‘yun.”

Dagdag pa niya, “Kasi hindi po kami magkasama sa show dati. I was doing ‘Nino’ back then tapos iba po ‘yung show niya.”

“So kapag may taping po siya, pinupuntahan ko. Magdadala po ako ng pagkain,” aniya.

Sumunod naman diyan ay ang larawan ni Bianca Umali at tinanong kung naging girlfriend niya ito.

Ayon kay Miguel, “Naging kami po ni Bianca…pero hindi naging maganda ang paghihiwalay naming dalawa.”

Marami ang nagulat sa naging sagot ng aktor dahil ang akala ng karamihan ay nanligaw lamang siya at hindi lang natuloy.

Follow-up question pa ni Tito Boy ay kung ang hiwalayan nila ay dahil sa isa pang aktres na si Kyline Alcantara.

Sey ng King of Talk, “That was the time you’re doing ‘Kambal Karibal’ kasama si Kyline Alcantara. Did it have anything to do with Kyline?”

Sabi naman ni Miguel, “Siguro Tito Boy, ‘yung dahilan ng paghihiwalayan namin, ‘wag na tayo mandamay ng ibang tao.”

“Parang respeto natin ‘yung ibang tao. Siguro sa isyu nalang namin ni Bianca,” saad niya.

At speaking of Kyline, ang litrato nito ang huling inilabas ni Tito Boy at sabay tanong kung naging dyowa niya ito.

Hindi kaagad nakasagot si Miguel at sinabing, “We had something special.”

Inulit ni Tito Boy ang kanyang tanong kay Miguel at hindi na nakatiis na sabihin ng aktor na naging sila rin ng nasabing aktres.

Ani ng aktor, “yes, yes [naging kami].”

Kwento pa niya, hindi na niya maalala kung paanong naging sila dahil bigla nalang daw silang nagka-developan.

Saad ni Miguel, “Hindi ko na masyadong matandaan Tito Boy pero naalala ko na lagi kaming magkasama sa ‘All Out Sundays’. Doon kami nagka developan.”

Sa kasalukuyan ay nililigawan ng aktor ang co-star na si Ysabel Ortega na nag-aaral din ngayon ng law.

Related chika:

Miguel Tanfelix umamin na kay Ysabel Ortega: Yung mga traits na hinahanap ko sa babae, nakikita ko sa kanya

Read more...