Faith da Silva inaming nagkagusto kay Albert Martinez: 'Mabait siya and he’s sweet kaya lang...' | Bandera

Faith da Silva inaming nagkagusto kay Albert Martinez: ‘Mabait siya and he’s sweet kaya lang…’

Ervin Santiago |February 08,2023
facebook
share this

Faith da Silva inaming nagkagusto kay Albert Martinez: ‘Mabait siya and he’s sweet kaya lang…’

Ervin Santiago - February 08, 2023 - 03:43 PM

Faith da Silva inaming nagkagusto kay Albert Martinez: 'Mabait siya and he’s sweet kaya lang...'

Albert Martinez at Faith da Silva

SA kabila ng agwat ng kanilang edad, inamin ng Kapuso actress na si Faith Da Silva na totoong nagkagusto siya kay Albert Martinez.

Ngunit mariin naman niyang itinanggi ang tsismis noon na nagkaroon sila ng relasyon ng award-winning veteran actor habang ginagawa nila ang teleserye ng GMA na “Las Hermanas.”

Sa pagsalang ni Faith sa “Fast Talk With Boy Abunda” kahapon, natanong siya kung nagkaroon ba sila ng relasyon ni Albert

“Hindi,” ang diretsahang sagot ng dalaga sabay sabing, “Pero masasabi ko na nagustuhan ko siya.”

“Kasi nakita ko kung paano niya ako inalagaan and kung paano niya ako ginuide bilang bagong artista.

“First show ko ‘yon at siya, veteran na siya bilang artista pero hindi niya ipinaramdam sa akin na ang level niya malayo sa akin,” sey ni Faith.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Faith Da Silva (@faithdasilva_)


Nagkatrabaho ang dalawa sa GMA Afternoon Prime series na “Las Hermanas” noong 2021.

Ngunit mariin ngang sinabi ng dalaga na hindi raw sila umabot sa pagkakaroon ng espesyal na relasyon dahil alam niyang mahal na mahal pa rin ng aktor ang namayapa nitong asawang si Liezl Martinez.

“Mabait siya. He’s sweet. Kaya lang nga, alam ko na super love niya ang late wife niya,” pahayag pa ng aktres.

Sunod na tanong ni Tito Boy kay Faith, hanggang saan umabot ang pagkagusto niya kay Albert.

“Wala naman masyado kasi nga, mahirap ang sitwasyon, eh. First time ko lang ‘yun na-experience na ‘yung age gap namin medyo malayo talaga.

“I could see and I could feel kung gaano niya kamahal ang wife niya, kasi ‘yun ang palagi niyang kinukuwento,” sey pa ng “Unica Hija” star.

Wala rin daw siyang boyfriend ngayon, “I am single, very much so.”

Faith da Silva sa tunay na relasyon nila ni Albert: Masaya ako na nakilala ko siya in a deeper level…

Albert Martinez sa chikang may relasyon daw sila ni Faith da Silva: I believe it’s not that bad at all…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Albert umaming balak na sanang magretiro sa showbiz; Jillian busy sa pag-aayos ng bahay sa probinsya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending