Sikat na female star naisahan ng nakalandiang male celebrity: 'Ang galing naman kasing magpa-fall ng lalaking yun!' | Bandera

Sikat na female star naisahan ng nakalandiang male celebrity: ‘Ang galing naman kasing magpa-fall ng lalaking yun!’

Reggee Bonoan - February 02, 2023 - 01:11 PM

Sikat na female star naisahan ng nakalandiang male celebrity: Ang galing naman kasing magpa-fall ng lalaking yun!'

Guess, guess who!? Mahulaan n’yo kaya kung sino sila?

DUDA ng close friends ng kilalang female celebrity ay “naisahan” siya ng equally sikat na male personality (na happily married na ngayon) noong nagdi-date pa sila.

Hindi naman ikinaila nina kilalang female personality at equally sikat na male personality na nag-date sila pero as friends lang daw at aware sila na maraming nag-akalang naging sila.

Hindi rin naman kasi maitatanggi ng dalawang personalidad na imposibleng hindi sila nagkaroon ng relasyon dahil nga ultimo mga kasamahan nila sa TV series na ginawa nila noon ay saksi sa kanilang mga lambingan sa set.

“Hulog na hulog na si ____ (kilalang female celebrity) kay ____ (equally sikat male personality), ang galing din naman kasi magpa-fall ng lolo mo. Nilalambing niya lola mo, so, akala naman inlababo na.

“There was a time na madaling araw na ay hindi pa umuwi si ____ (kilalang female celebrity) kahit ilang beses na siyang tinatawagan ng personal assistant kasi nga mega call na ang parental guidance (magulang) at hinahanap na lola mon a ang paalam ay may taping pa, e, may araw pa nawala na sila ni ____ (equally sikat male personality). Hindi nagsabi kung saan sila.

“Kung anu-anong dahilan ng taga-prod sa PA na sasabihin sa magulang, buti nga hindi dumating sa set or else huli kami,” detalyadong kuwento ng aming paru-parong source.

Kami rin ay naniwalang may relasyon ang dalawa at nagkahiwalay lang dahil biglang may ibang dyowa na si equally sikat male personality kaya pala panay ang talak ni kilalang female celebrity sa media.

Hindi naman maipaliwanag ng kilalang female celebrity kung bakit sila naghiwalay at kung totoong naging sila.

“E, kasi nga walang pormal na usapan, puro lang sila date, siguro kung saan-saan nakakarating kasi nawawala sa set ng tatlong oras or more pa. Siyempre dedma ang prod ‘no, or else mawawalan ng work.

“Pero alam ko nag-usap ng maayos ‘yung dalawa kaya nanahimik na rin lola mo, pero talagang hindi niya matanggap na ‘walang tayo’ thing.  Good catch din naman kasi si lolo mo.

“Hanggang sa nag-asawa na si ____ (equally sikat male personality) hindi pa rin naka-get over si _____ (kilalang female personality) kasi minsan idinadaan niya sa biro na iniwan siya,” kuwento pa ng aming lumilipad-lipad na source.

Actually, nu’ng nakausap din namin dati si equally sikat na male personality ay natawa rin sa tanong namin kung naging sila, sabi niya, “Kung kami, aamin ako kasi lalaki ako, pero hindi talaga.”

E, ano ang hinahabol ni kilalang female personality kay equally sikat male personality? “Masarap maging kaibigan?” birong sabi ng aming source.

Kilalang male star sugatan na naman ang puso matapos maghiwalay ng ka-live in

Direktor awang-awa kay sikat na male celeb dahil binu-bully noon ng insecure na aktor

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Relasyon nina Barbie at Diego iniintriga ni Xian Gaza; pasabog na blind item bentang-benta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending