Regine ibinuking na biktima rin ng bullying sa school si Ogie, payo kay Nate kapag inapi: 'Lumaban ka!' | Bandera

Regine ibinuking na biktima rin ng bullying sa school si Ogie, payo kay Nate kapag inapi: ‘Lumaban ka!’

Ervin Santiago |January 29,2023
facebook
share this

Regine ibinuking na biktima rin ng bullying sa school si Ogie, payo kay Nate kapag inapi: ‘Lumaban ka!’

Ervin Santiago - January 29, 2023 - 07:28 AM

Regine ibinuking na biktima rin ng bullying sa school si Ogie, payo kay Nate kapag inapi: 'Lumaban ka!'

Ogie Alcasid at Regine Velasquez

MISMONG ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ang nagbahagi ng kuwento tungkol sa pambu-bully sa kanyang asawang si Ogie Alcasid.

Kuwento ng OPM icon, naging biktima rin noon ng bullying ang Ultimate Singer-Songwriter na hanggang ngayon ay hindi pa rin nito nakakalimutan.

Ayon kay Regine, hindi rin daw nakaligtas si Ogie sa mga batang bully noong nag-aaral pa ito dahil sa pagiging maliit sa kanilang school.

Sa isang episode ng “Magandang Buhay”, naikuwento ni Regine na grabe rin ang pinagdaanan ng kanyang asawa noong nag-aaral pa ito pero sa kabila noon ay hindi pa rin nagpatalo at nagpaapekto ang Kapamilya TV host at singer.

“They used to put him in the locker and leave them there. Kasi kasya siya doon sa locker.

“They leave them there. But look at him now he is Ogie Alcasid,” chika ng nag-iisang Songbird.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)


Naibahagi ni Regine ang tungkol sa pambu-bully kay Ogie matapos magkuwento ang isang dream chaser ng “Dream Makers” sa “Magandang Buhay” na naging biktima rin siya bullying sa kanilang eskwelahan.

Nagbigay din ng advice si Regine sa mga kapwa niya magulang na may mga anak na binu-bully hindi lang sa school kundi maging sa mga sarili nilang pamilya.

“It’s okay to fight, especially kung hindi kayo ang nag-uumpisa.

“Ako ‘yung anak ko sinasabihan ko if someone is going to bully you, you have to fight because mommy is not there,” pahayag ni Regine na ang tinutukoy ay si Nate Alcasid.

Sey pa ni Regine, kailangang alam talaga ng mga parents ang mga nangyayari sa kanilang mga anak lalo na sa school para magawan agad ng paraan o solusyon kung may problema o isyu.

Regine Velasquez pagod na sa mga taong ‘nagpapanggap’, Ogie Alcasid may hugot sa ‘taong galit’

Xian Lim biktima rin ng pambu-bully sa school; kumakain sa CR, ninanakawan ng pera, sinasaktan pa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jelai Andres biktima rin ng pambu-bully, sinampal ng kaklase; pinuri ni Rhea Tan bilang epektib na endorser

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending