Bwelta ni Gigi de Lana sa nagsabing 'pumangit ka' dahil sa short hair: 'Guys, kahit magpakalbo ako wala tayong magagawa' | Bandera

Bwelta ni Gigi de Lana sa nagsabing ‘pumangit ka’ dahil sa short hair: ‘Guys, kahit magpakalbo ako wala tayong magagawa’

Ervin Santiago |January 24,2023
facebook
share this

Bwelta ni Gigi de Lana sa nagsabing ‘pumangit ka’ dahil sa short hair: ‘Guys, kahit magpakalbo ako wala tayong magagawa’

Ervin Santiago - January 24, 2023 - 01:11 PM

Bwelta ni Gigi de Lana sa nagsabing 'pumangit ka' dahil sa short hair: 'Guys, kahit magpakalbo ako wala tayong magagawa'

Gigi de Lana

GRABE na talaga ang mga bashers at haters ngayon sa social media, no! Talagang nag-level up na rin sila sa pang-ookray at panlalait sa kanilang kapwa.

Imagine, kahit ang pagpapagupit at bagong hairstyle ng Kapamilya actress at singer na si Gigi de Lana ay pinagtripan nang bonggang-bongga ng mga netizens.

Hindi kasi nagustuhan ng ilan sa kanyang mga supporters ang maikli niyang buhok, kesyo hindi raw bagay sa kanya ang short hair dahil bukod sa tumaba raw ang face niya ay nagmukha rin siyang tomboy.

Pero marami naman ang pumuri sa bago niyang look na bumagay sa medyo pangahan niyang face. Pagtatanggol pa ng kanyang fans,  nasanay lang ang madlang pipol sa dating long hair ni Gigi.

Nagpaliwanag naman ni Gigi sa mga taong namba-bash sa maikli niyang buhok na ipinost pa niya kanyang official Facebook page.

“Guys, alam niyo super valid ‘yung mga comments niyo sa akin: ‘Pumangit ka,’ Mas bagay sa’yo ‘yung long hair mo,’ ‘Bakit ka nagpagupit?’ ‘Pa-hair extensions ka na lang,”” simulang esplika ng dalaga.

Dagdag ni Gigi, “Guys, kahit magpakalbo ako, wala tayong magagawa. Kayo din naman nagpapagupit. Kung trim-trim lang, nagpagupit pa rin kayo. Okay lang yan.”

Ipinagtanggol din siya ng kanyang loyal supporters laban sa mga haters.

“You look gorgeous Ms. Gigi. Deadma sa mga mapanglait n bashers!”

“Still look pretty in any hairstyle. Don’t mind the others!”

“You are beautiful, Period. You look good w/ short,long or no hair! That’s okay!”

“I am your biggest fan, no matter what you do with your hair. Your voice is simply amazing!”

“You do you chica! You’re still gorgeous as can be.”

“Look younger nga in short hair, ganda pa rin!”

“Your body, your rules. as long as you are happy. Don’t mind anyone. haters will always hate no matter what!”

“You are absolutely gorgeous with your short hair. Short or long hair, beautiful pa din. Regardless, you are awesome.”

Unang sumikat si Gigi nang maging finalist sa “Tawag ng Tanghalan” ng “It’s Showtime.” Naging instant star naman siya nang mag-viral ang mga online session ng kanyang grupong The Gigi Vibes noong kasagsagan ng pandemya.

Regular na siyang napapanood every Sunday sa musical variety show ng ABS-CBN na “ASAP Natin ‘To.”

Gigi de Lana biglang sikat sa ‘Bakit Nga Ba Mahal Kita’ birit challenge; sasabak na rin sa aktingan

Read more: https://bandera.inquirer.net/288186/gigi-de-lana-biglang-sikat-sa-bakit-nga-ba-mahal-kita-birit-challenge-sasabak-na-rin-sa-aktingan#ixzz7rHijHPpK
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

Gerald may payo kay Gigi: Ako ang coach mo

Read more: https://bandera.inquirer.net/296444/gerald-may-payo-kay-gigi-ako-ang-coach-mo#ixzz7rHimMYd5
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

Pangarap ni Gigi de Lana tinupad ni Regine: Bata pa lang ako idol ko na talaga siya

Pangarap ni Gigi de Lana tinupad ni Regine: Bata pa lang ako idol ko na talaga siya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gigi de Lana may regalo sa mga martir: Para sa mga taong hindi sumusuko sa love

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending