Janine ayaw talagang sumabak sa beauty pageant: 'Mas gusto ko pong mag-taping, mas gusto kong umarte' | Bandera

Janine ayaw talagang sumabak sa beauty pageant: ‘Mas gusto ko pong mag-taping, mas gusto kong umarte’

Ervin Santiago |January 22,2023
facebook
share this

Janine ayaw talagang sumabak sa beauty pageant: ‘Mas gusto ko pong mag-taping, mas gusto kong umarte’

Ervin Santiago - January 22, 2023 - 06:45 AM

Janine ayaw talagang sumabak sa beauty pageant: 'Mas gusto ko pong mag-taping, mas gusto kong umarte'

Janine Gutierrez

MATAPOS matalo si Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022 na ginanap sa Amerika, kinukumbinsi ngayon ng madlang pipol si Janine Gutierrez na sumabak na rin sa beauty pageant.

Isa si Janine sa mga celebrities na talagang tumutok sa naganap na grand coronation night ng 71st Miss Universe last January 15 kung saan hindi man lang umabot sa Top 16 ang bet ng Pilipinas.

Siyempre, dismayado at ikinalungkot ng sambayanang Filipino ang pagkatalo ni Celeste dahil nga sa loob ng mahabang panahon ay nagmamarka at nakakasama sa semi-finalists ng naturang international pageant ang Pilipinas.

At dahil nga rito, nag-post si Janine ng kanyang saloobin sa pagkatalo ni Miss Universe Philippines Celeste Cortesi.

Pero idinaan na lang niya sa biro ang ipinost niyang hirit sa Twitter hinggil sa naganap na pageant kung saan itinanghal na bagong Miss Universe si R’Bonney Gabriel mula sa USA.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE ❤️‍🔥 (@janinegutierrez)


“As anak ni Lotlot, sending all my love to everyone affected by today’s event,” ani Janine na ang tinutukoy na “Lotlot” ay ang termino na ginagamit sa showbiz kapag natalo o minalas.

Sa presscon ng pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na “Dirty Linen” kung saan isa si Janine sa mga bida, natanong ang dalaga tungkol sa katatapos lamang na pageant.

“Yeah, I watched. I was watching noong time na ‘yun kasi si Direk Andoy (Ranay) actually naghahanap ng live telecast nasa taping kami nun e’. Hindi ko pa naman eksena so nanunod ako,” pahayag ni Janine.

Ano naman ang reaksyon niya sa sinasabi ng nga pageant fans na sana’y subukan na niya ang mag-join sa Miss Universe Philippines at baka siya lang ang hinihintay para maiuwi muli ng Pilipinas ang titulo at korona.

“I’m flattered, im so-so flattered, salamat sa lahat ng mga naniniwalang kaya ko doon,” sagot ni Janine. At isang mabilis na “Wala” ang naging sagot niya kung may pag-asa bang sumali siya sa isang beauty pageant.

“Mas gusto ko pong mag-taping, mas gusto ko pong umarte,” ani Janine.

Samantala, mapapanood na sa darating na January 23 ang bagong Kapamilya series na “Dirty Linen” kung saan makakasama rin ni Janine sina Zanjoe Marudo, Seth Fedelin, Francine Diaz, Tessie Tomas, Joel Torre, John Arcilla, Janice de Belen, Angel Aquino at marami pang iba.

Carla kay Tom: Sa lala ng sakit, pambabastos, pandudurog, panggagamit, pagtataksil, napakadaling ibalik sa kanya ang pagganti, pero…

Brenda Mage sa pagbabalik-PBB: Gusto kong ipakita na hindi ko lang kayang magpakatotoo kundi kaya ko ring magpakatao

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kuya Kim gustong si Dingdong ang bumida sa kanyang life story; game na ring sumabak sa akting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending