Pia Wurtzbach mas nahe-hurt kapag ibinabagsak ng kapwa Pinoy

Pia mas nahe-hurt kapag ibinabagsak ng Pinoy: Lalo na kung kapwa babae!

Ervin Santiago - April 07, 2024 - 07:42 AM

Pia mas nahe-hurt kapag ibinabagsak ng Pinoy: Lalo na kung kapwa babae!

Pia Wurtzbach at Heart Evangelista

NAAAPEKTUHAN pa rin si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa mga naririnig at nababasang hate message sa social media tungkol sa kanya.

Pilit na pinipigil ng actress-TV host ang maiyak nang um-attend sa campaign launch ng ineendorso niyang produkto na may kaugnayan sa International Women’s Month.

Naging emosyonal si Pia nang basahin at bigkasim muli ang kanyang Women’s Month manifesto na, “Sayang? No, I’m worth it.”

Sa kanyang speech, inamin ng dating beauty queen na talagang affected ang kanyang mental health sa natatanggap na pamba-bash at pangnenega ng mga netizens.

Baka Bet Mo: Sikat na female celeb matindi ang galit kay kilalang aktres matapos malamang tinikman ang kanyang dyowa

Sey ni Pia, mas nahe-hurt daw siya kapag mga kapwa Filipino ang mga tumitira at nang-ookray sa kanya.

“May mga panahon na matatamaan ka talaga sa mga naririnig at nababasa mo. Minsan, galing pa sila sa mga taong malalapit sa ‘yo.

“At para sa akin…mas masakit pa nga kapag galing sa kapwa Filipino. Lalo na kapag galing sa kapwa babae,” ang pahayag pa ni Pia na pinipigilan ang pagtulo ng luha.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Jauncey (@piawurtzbach)


“’Di ba kung ibang lahi parang, okay lang, kaya ko. Pero kasi kapag galing sa kababayan mo tapos sa iba pang babae, hindi talaga madali. Mas masakit,” aniya pa.

Nagbigay naman ng mensahe ang aktres sa lahat ng mga taong walang ginawa kundi ang laitin at ibagsak siya.

Baka Bet Mo: Pokwang nasasaktan sa mga bashers na kapwa babae: Hayaan niyo lang muna akong sumigaw kasi mahapdi

“If there’s anything people should probably know about me by now, is that the more you tell me ‘No,’ the more I’m going to try to prove you wrong.

“Don’t tell me I can’t do something because that is the sure way for me to try to make it happen.

“Nothing fuels me more than negativity – bashers, naysayers, people who diminish my efforts and my worth, people who diminish my worth,” sey pa ni Pia.

Nitong mga nakaraang araw ay iniintriga sina Pia at Heart Evangelista na may “silent war” umano na nagsimula nang pareho silang rumampa sa Paris Fashion Week.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Feeling ng mga netizens, ang mga cryptic post nila sa social media ay para sa isa’t isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending