Carlo Aquino bibida sa international film, sumabak na sa taping sa Japan
SASABAK sa kauna-unahang international project ang aktor na si Carlo Aquino.
Ang exciting news ay ibinandera mismo ng Star Magic Head na si Lauren Dyogi sa isang Instagram post.
Proud na ibinahagi ni Lauren na ongoing na ang taping ni Carlo sa Tokyo, Japan at kasama pa niya ang ilang sikat na Japanese artists.
Sey ni Lauren sa IG, “As Star Magic ventures into international collaboration for our artists, Carlo starts filming his latest project in Tokyo co-starring with Japanese Hollywood actor Takehiro Hira (Snake Eyes) and Sho Ikushima.”
Patuloy pa niya, “Also playing an important role is another Star Magic Artist and half Japanese Kei Kurosawa.
“This film is being directed by Donie Ordiales who studied Film in Japan and is currently based in Tokyo as well.”
View this post on Instagram
Proud na sinabi ni Lauren sa social media na maganda ang collaboration nina Carlo at ng nabanggit niyang veteran international actors.
“Iba energy nila together. What a privilege to witness this cinematic magic unfold,” caption ni Lauren sa isang IG post.
Kamakailan lang ay naging mainit sa mata ng media at netizens ang aktor matapos umaming nasa dating stage sila ng aktres na si Charlie Dizon.
Naunang umugong ang balitang may namamagitan sa dalawa matapos mapansin ng mga netizens ang “closeness” sa larawang ibinahagi ni Charlie sa Instagram na kasama si Carlo habang nakikipag-bonding sa mga kaibigan si Charlie.
Related chika:
Trina Candaza diretsahang tinanong si Carlo Aquino: ‘Mahal mo pa ba ‘ko?’
Trina Candaza may bwelta kay Carlo Aquino tungkol sa sustento: Ang sakit lang sa pakiramdam dahil…
Carlo Aquino pinayuhang dumulog sa korte para makasama ang anak kay Trina Candaza
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.