Ria Atayde ipinagtanggol ang mga biktima ng body shamers: 'I work out not because I hate my body but because I want to be healthy' | Bandera

Ria Atayde ipinagtanggol ang mga biktima ng body shamers: ‘I work out not because I hate my body but because I want to be healthy’

Ervin Santiago |January 18,2023
facebook
share this

Ria Atayde ipinagtanggol ang mga biktima ng body shamers: ‘I work out not because I hate my body but because I want to be healthy’

Ervin Santiago - January 18, 2023 - 08:23 AM

Ria Atayde ipinagtanggol ang mga biktima ng body shamers: 'I work out not because I hate my body but because I want to be healthy'

Ria Atayde

“BODY positivity. No to body shaming.” Yan ang gustong ibandera ni Ria Atayde sa lahat ng mga taong patuloy na namba-bash ng kapwa dahil sa kanilang katawan at itsura.

Isa ang Kapamilya actress sa mga kilalang celebrities na nagpapalaganap ng advocacy about body positivity dahil biktima rin siya ng mga haters sa social media na walang ginawa kundi ang magpasabog ng kanegahan.

Ang makabuluhan at napapanahong adbokasiya na yan ang dahilan kung bakit si Ria ang napiling pinakabagong White Castle Whisky’s 2023 calendar girl.

“I was so touched. Very excited to show to the people our campaign. Big girls don’t usually get the chance to do this. It’s really about embracing your body,” pahayag ng dalaga kahapon nang pormal na siyang ipakilala bilang calendar girl.

Yes, ka-level na siya ngayon ng mga iconic calendar girls ng nasabing liquor brand. Kabilang na riyan sina Lorna Tolentino (1982), Carmi Martin (1984), Cristina Gonzalez (1992-1993), at Glydel Mercado.

“Beauty goes in all forms and sizes. You can be wholesome and sexy. You don’t have to show more skin to be sexy. You just have to show your confidence,” sey ni Ria.

Ano ang naging reaksyon ng kanyang pamilya nang malamang magiging calendar na rin siya?  “When this was pitched to us, nandu’n din ang parents. Hinahayaan na nila ako to decide. There was no discussion anymore.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Effie Go Iñigo (@effieinigo)


“Supportive silang lahat. The whole point of this calendar is really about being confident,” sey ng girlfriend ni Zanjoe Marudo.

Natanong namin si Ria kung ano ang gusto niyang ibigay na mensahe sa mga body shamers at sa mga biktima ng mga ito.

“Kailangan ba you make people sad? Anong point?” sagot ni Ria. Sana raw ay ma-realize ng mga taong ito na walang maidudulot na maganda ang paninira at pang-aalipusta sa kapwa.

Mensahe naman niya sa mga tulad niyang biktima ng body shamers, “Kaya niyo ‘yan. It took so long for me to get to a point bago ko mahalin ang sarili ko. Just do things to make yourself healthy. You don’t have to look in a certain way. Focus on yourself. Tune off the noise.”

Aniya pa, “I work out not because I hate my body but because I want to be healthy. It’s a matter of turning off the noise. People will sure have a lot to say.

“Love your body and everything will follow. It’s about love. Also, it’s valid na ma-conscious tayo. But you just have to turn off the noise.

“Things are going so well in my career. Right now, I’m enjoying how my career is going. You don’t have to follow certain timeline,” ani Ria.

Samantala, ipinaliwanag naman ng Destileria Limtuaco President at CEO na si Olivia Limpe-Aw, ang kanilang advocacy nitong mga nakaraang taon.

“Ni-launch ng mga kalendaryo namin ang karera ng maraming mga aktres at mga modelo. With that kind of clout, nag-desisyon kami na maaari naming gamitin ang platform ng aming kalendryo para mag-launch ng iba’t ibang klaseng causes at advocacies.

“Sexy calendars have become a contentious concept. The featured beauty standards have been deemed unrealistic and not representative of the everyday female,” aniya pa.

“Ipinapakita ni Ria Atayde, na isang champion ng body positivity, sa pamamagitan ng kalendaryong ito, na ang pagiging sexy ay ang kumpinsya at pagiging kumportable sa sarili,” sabi pa nito.

Magkasama ang White Castle Whisky at si Ria Atayde sa paghatid ng positive at affirming message sa malawak na diversity ng beauty at maraming uri ng pagiging confident at sexy sa pagnanasang yakapin ng milyun-milyong mga kababaihan ang kanilang tunay na kapangyarihan habang lapit bisig sila na gawing mas maganda ang mundo.

Ellen: Boobs ko lang ang fake, lahat sa katawan ko di pa nagalaw!

Kakai sa body shamers: Try n’yong ‘wag pakialaman ang buhay ng mga hindi n’yo naman pinapalamon

Katawan, itsura ni Kakai nilait-lait: Sorry kung ikalulungkot ng iba na mahal na mahal ko ang sarili ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hamon ng bagong calendar girl na si Sassa Gurl: Ano na Bea at Chie? Tara, shot puno, basagan! Chares!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending