Vhong Navarro balik-Showtime na: 'Isang mahigpit na yakap para kay Kuys Vhong madlang pipol!' | Bandera

Vhong Navarro balik-Showtime na: ‘Isang mahigpit na yakap para kay Kuys Vhong madlang pipol!’

Ervin Santiago |January 16,2023
facebook
share this

Vhong Navarro balik-Showtime na: ‘Isang mahigpit na yakap para kay Kuys Vhong madlang pipol!’

Ervin Santiago - January 16, 2023 - 02:28 PM

Vhong Navarro balik-Showtime na: 'Isang mahigpit na yakap para kay Kuys Vhong madlang pipol!'

Vhong Navarro

TALAGANG inabangan ng madlang pipol all over the universe ang pagbabalik ni Vhong Navarro sa Kapamilya noontime program na “It’s Showtime.”

Makalipas nga ang ilang buwang pagkawala, mainit na winelkam ng kanyang mga co-host at production staff sa show ang nagbabalik na TV host-comedian.

Mabilis na naging hot at top trending topic sa Twitter at iba pang social media platforms ngayong araw ang pangalan ni Vhong at ng “It’s Showtime” dahil na rin sa dami ng na-excite sa kanyang “return of the comeback.”

Sa Twitter page ng naturang noontime show, makikita ang mga kaganapan sa pag-welcome kay Vhong ng mga kapamilya at kasamahan niya sa programa sa pangunguna ni Vice Ganda.

Nakasuot ng pink at black si Vhong sa kanyang pagbabalik sa nasabing Kapamilya program.

“Maligayang pagbabalik sa ating Kapamilya, Kuys Vhong Navarro!

“Isang mahigpit na yakap para kay Kuys Vhong, Madlang People!” ang caption sa mga litratong naka-post sa Twitter ng “Showtime.”


Pansamantalang nawala sa show si Vhong matapos makulong sa detention center ng NBI at sa Taguig City Jail dahil sa kasong rape na isinampa laban sa kanya ng dating model na si Deniece Cornejo.

Ngunit pansamantalang nakalaya ang komedyante nitong December, 2022, matapos payagan ng korte na magpiyansa ng P1 milyon.

Narito naman ang mga naging reaksyon ng ilang netizens sa pagbabalik ni Vhong sa “Showtime.”

“Nakakaiyaakkk sana tuloy2 na. our family is so happy ur back. we will always pray for you kuys @VhongX44.”

“We love you vhongky lagi kang welcome sa puso namin.”

“Nanonod kami now thank you Lord welcome back sir Vhong.”

“Iyaakk..tawa..iyak, tas tawa ulet..den iyak nnman..hanuvah? Anygayz, welcome back Kuys @VhongX44 sa @itsShowtimeNa ! Pero calocca meme @vicegandako. Dami ko tawa sau. Masaya na muli Ang madlang Pipol dahil complete na kau!”

“Welcome Back Vhong Navarro…. God is good all the time All the time God is good #ShowtimeWowSwabe Ang saya saya na ulit….. Guapo….”

Willie umamin: Mahirap talagang makipag-compete sa mga noontime show, pinagdaanan ko na lahat iyan

Vice Ganda nabanggit si Juliana Parizcova sa pagbabalik ng ‘Miss Q&A’ sa ‘Showtime’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kim walang nagawang sablay para tsugihin sa ‘Showtime’; Andrea nagpaka-drag queen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending