Celeste Cortesi sa mga kumukuwestiyon sa pagiging Pinay: ‘I’m Filipina and nobody can ever take that away from me!’
SIGURADONG abangers na ang sambayanang Filipino sa grand coronation para sa ika-71 edisyon ng Miss Universe pageant ngayong umaga.
Siyempre, todo-todo na ang pagdarasal ng lahat ng Filipino all over the universe na sana’y manalo ang bet ng Pilipinas na si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi.
In fairness, talaga namang kinarir ni Celeste ang training para sa pagrampa niya sa pinakaaabangang international pageant. Promise niya sa sambayanang Filipino, gagawin niya ang lahat para hindi mapahiya ang Pilipinas sa pagbitbit niya ng ating bandera.
Sa isa ngang panayam, nabanggit ni Celeste na isa sa mga rason kung bakit siya sumali sa Miss Universe Philippines ay para ipakita sa buong mundo na kapag may ginusto kang abutin at makuha sa buhay, kailangang paghirapan mo ito.
“What I really want to show is that whatever dream you have, whatever goal you have, or whatever skill you want to learn, you can achieve it as long as you’re committed.
“I want people to see that I can represent the Philippines. It’s been 4 years and I have learned so many things. This is another Celeste,” pahayag ng dalaga.
View this post on Instagram
Sinagot din niya ang tanong kung ano ang reaksyon niya sa mga nagsasabing hindi naman daw siya mukhang Filipina at lalong hindi rin siya marunong magsalita ng Tagalog.
“Honestly, I don’t feel a pressure to be more Filipino because I know I am. I honestly find it very offensive but I know myself. I am Filipina and nobody can ever take that away from me,” tugon ng beauty queen.
At tungkol naman sa totoong meaning ng pagiging beauty queen, “I’ve discovered that being a beauty queen is more about being authentic, and having the ability to inspire others because of your authenticity.
“Not all beauty queens are the same. I am who I am and I hope people will like me for me,” aniya pa.
Samantala, mas lalo pang hinangaan at minahal ng mga Pinoy si Celeste dahil sa kanyang advocacy na may kaugnayan sa mental health.
Sa isa niyang Instagram post, pinaalalahan niya ang lahat tungkol sa pagbibigay halaga sa bawat damdamin ng iyong kapwa, “Here’s a reminder to always be kind. Not just to others, but most importantly, to yourself.
“I know that a lot of us face different types of stress and hardships, but always remember to love yourself and forgive yourself for your own shortcomings. You are not perfect. But you could always learn and grow.
“Let us all learn to normalize conversations about mental health and never stigmatize people suffering from mental health issues.
“Everyday, let’s all take the time to check on our friends and family. You don’t know the positive impact you can bring by just having a listening ear. And lastly, don’t forget to smile,” lahad pa ni Celeste.
#IkawNa: Andrea Brillantes may ‘Dyesebel’ na may ‘Drag You & Me’ pa
Miss Universe PH 2022 Celeste Cortesi nahihiyang umamin noon na nagtrabaho bilang cashier, pero…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.