Team Celeste Cortesi nagpaalam muna sa pamilya Ravelo bago mag-Darna sa Miss Universe 2022
HUMINGI pala ng permiso ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2022 na si Celeste Cortesi sa Ravelo family para sa pagsusuot ng costume ng Pinay superhero na si Darna.
Ito kasi ang ginamit niya para sa National Costume competition sa preliminary rounds ng Miss Universe 2022 na viral na ngayon sa social media.
Tinanong namin ang isa sa nakadiskubre kay Celeste at family friend na rin kung kaninong ideya na gamitin ng dalaga ang costume ni Darna.
“Personal choice n’ya ‘yon. Kaya sinabi n’ya kay Jonas (Gaffud) kung p’wede. Humingi naman ng permission sa mga Ravelo pumayag naman kaya natuloy,” sabi sa amin.
Dagdag pa, “Idea n’ya ‘yon. Collab nina Albert Andrada at Oliver Tolentino.” Ang mga nabanggit ay mga kilalang designer ng mga kilalang personalidad.
Sa pagrampa ni Celeste ay buong ningning niyang ipinagmalaki ang Pinay superheroine Darna costume na umani ng suporta at pagkamangha sa lahat na ginanap ngayong araw, Enero 12.
View this post on Instagram
Nagpalabas naman kaagad ng paghanga at suporta ang TEAM Darna sa pangunguna ng Business Unit head ng JRB Creative Production na si Julie Anne Benitez.
Narito ang program statement ng Darna, “We are proud of Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi for championing Darna on the world stage through the 71st Miss Universe national costume competition.
“The Ravelo family extends their full support, gratitude, and excitement for the opportunity to show Darna to a global audience through the country’s official Miss Universe representative.
“We hope that, like our beloved Filipino superheroine, Celeste will continue to serve as a source of inspiration and empowerment for women all around the world.”
Hiningan din namin ng reaksyon ang isa sa direktor ng “Darna” na si Benedict Mique na kasalukuyang nasa Los Angeles, California USA tungkol sa pagda-Darna ni Celeste.
“Siyempre proud ‘yung buong team ng Darna, I’m sure ang mga Ravelos din. Pinapatunayan lang na ang Darna ay simbolo na ng Filipino. Darna represents Filipino creativity, perserverance and beauty,” mensahe sa amin ni direk Benedict.
Umeere sa kasalukuyan ang Darna series ni Jane de Leon sa Kapamilya network kasama sina Janella Salvador, Joshua Garcia at marami pang iba.
* * *
Mapanatili kaya nina Jeromy Batac, Vinci Malizon, Drei Amahan, Asi Gatdula,Ishiro Incapas,Wilson Budoy, at Marcus Cabais ang kanilang posisyon sa Top 7 ng “Dream Maker?”
Sa darating na Sabado (Enero 14) at Linggo (Enero 15), magbabago muli ang rankings ng natitirang 44 Dream Chasers batay sa kanilang mga nakuhang scores mula sa mentors at public votes sa katatapos na position mission noong nakaraang weekend. Bukod dito, ilan din sa kanila ay mapupunta sa danger zone at tuluyan ng mapapaalis sa kompetisyon.
May advantage naman sina Jeromy, Josh Labing-isa, at Russu Laurente sa darating na ranking at elimination dahil sa kanilang nakuhang 100 puntos sa ikalawang misyon.Itinanghal na overall dancer si Jeromy, overall vocals ang nakuha ni Josh, at overall rapper naman si Russu. Ang nasabing karagdagang puntos ay idadagdag sa nakuha nilang mentors scores.
Bukod naman sa performances ng Dream Chasers, inabangan din ng manonood ang pagbisita ni Maymay Entrata bilang guest mentor ng nakaraang misyon.
Huwag palampasin kung sino-sino ang bubuo sa Top 7 sa darating na weekend at kung sino naman ang maalis sa kompetisyon.
Panoorin ang “Dream Maker” tuwing Sabado at Linggo, 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel at iba pang platforms ng ABS-CBN.
Pagrampa ni Celeste Cortesi bilang Darna sa 71st Miss Universe aprub na aprub sa Ravelo family
Joshua Garcia pumayag agad sa topless scene sa ‘Darna’: Why not…hindi naman siya sobrang laswa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.