Angelica tinamaan ng COVID-19: 'Nauubusan na ‘ko ng positive thoughts...please send help' | Bandera

Angelica tinamaan ng COVID-19: ‘Nauubusan na ‘ko ng positive thoughts…please send help’

Ervin Santiago |January 12,2023
facebook
share this

Angelica tinamaan ng COVID-19: ‘Nauubusan na ‘ko ng positive thoughts…please send help’

Ervin Santiago - January 12, 2023 - 06:55 PM

Angelica tinamaan ng COVID-19: 'Nauubusan na ‘ko ng positive thoughts...please send help'

Gregg Homan, Angelica Panganiban at Baby Amila Sabine

HABANG inaakala ng maraming Filipino na unti-unti nang nawawala ang COVID-19 sa bansa ay saka naman tinamaan ng virus ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban.

Ibinalita ni Angelica ngayong araw, January 12, sa madlang pipol na nagpositibo siya sa COVID-19, sa pamamagitan ng kanyang social media account.

Nag-post ang celebrity mom sa Instagram ng screenshot ng pakikipag-video call niya sa kanyang partner na si Gregg Homan at sa panganay nilang anak na si Amila Sabine.

Kalakip nito ang photo ng resulta ng kanyang COVID-19 antigen test kung saan makikita nga na nag-positive siya sa virus.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


“Nauubusan na ‘ko ng positive thoughts. Pls send help. I miss you family,” ang caption ni Angge sa kanyang IG post.

Sa comments section, bumuhos naman ang mensahe mula sa mga fans at celebrity friends ni Angelica na nagsabing ipagdarasal nila ang agarang paggaling ng aktres.

“You got this kambal!!” ang comment ni Anne Curtis.

“Sending prayers and healing light!” ang komento ni Iza Calzado.

Sey naman ni Pokwang, “Pinagdarasal kita ‘nak. Love you.”

“Be healed!!” ang nasal ni Ogie Alcasid para sa aktres.

“Get well soon pets,” say ni John Prats.

Ang iba pang nagpadala ng get-well-soon wishes kay Angelica ay sina Maxene Magalona, Carla Abellana, Camille Prats, Isabel Oli, Maris Racal, Smokey Manaloto at marami pang iba.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Angelica sa madlang pipol ang tungkol sa in-organize nilang surprise bridal shower para sa kaibigang si Glaiza de Castro.

Nakatakda kasing ikasal uli ang Kapuso actress sa pangalawang pagkakataon sa asawa niyang si David Rainey na gaganapin naman dito sa Pilipinas.

Angelica hindi pa rin sure kung handa nang maging nanay: Nakakabaliw siya! May mga nights or days na umiiyak na lang ako…

KC malalim ang b-day hugot; nag-alay ng dasal para sa lahat ng tinamaan ng COVID

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angelica hindi pa rin sure kung handa nang maging nanay: Nakakabaliw siya! May mga nights or days na umiiyak na lang ako…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending