‘Anti-Hero’ ni Taylor Swift umariba uli sa ‘Billboard Hot 100’, nangwasak ng record
HIT na hit nanaman ang kantang “Anti-Hero” ng international pop singer na si Taylor Swift!
Muli kasi itong nanguna sa “Billboard Hot 100 Charts” matapos maungusan ang holiday song ng iconic singer na si Mariah Carey na “All I Want for Christmas Is You” na tila naging unbeatable noong panahon ng Kapaskuhan.
Ayon sa Billboard, nakuha ng “Anti-Hero” nitong December 30, 2022 hanggang January 25 ang 83.8 million radio airplay audience impressions, 17.2 million streams at 6,000 units sold.
Dahil daw diyan ay napantayan na nito ang isa pang single ng pop singer na “Blank Space” na may pinakamaraming bilang ng pagiging number one sa “Hot 100.”
“As ‘Anti-Hero’ tops the Hot 100 for a seventh week, Swift matches her longest reign: ‘Blank Space’ dominated for seven frames in 2014-15,” sey ng American music magazine.
Matatandaang ni-release ang “Anti-Hero” noong nakaraang taon kasabay ng latest studio album ni TayTay na may titulong “Midnights.”
Ayon sa singer, ang nasabing kanta ay tungkol sa depresyon at anxiety.
Samantala, abangers na ang ilang fans sa nakatakdang gagawing pelikula ng pop singer.
Noong nakaraang buwan lamang ay inanunsyo ng Walt Disney co-owned production company na “Searchlight Pictures” na sasabak na rin sa pagiging film director si TayTay, pero hanggang ngayon ay wala pang detalye na inilalabas tungkol dito.
Nauna nang sinabi ng Searchlight Pictures na ang singer mismo ang sumulat ng gagawing pelikula.
Sinabi din ng production company na lubos silang natutuwa na makatrabaho ang pop icon.
Sey sa inilabas na pahayag ng Searchlight Presidents na sina David Greenbaum at Matthew Greenfield, “Taylor is a once in a generation artist and storyteller.
“It is a genuine joy and privilege to collaborate with her as she embarks on this exciting and new creative journey.”
Related chika:
Taylor Swift gagawa ng sariling pelikula, sasabak na rin sa pagiging direktor
Taylor Swift big winner sa MTV Europe Music Awards; Maymay Entrata talo sa K-pop boyband
Taylor Swift record-breaker nang ilabas ang bagong album na ‘Midnights’: How did I get this lucky!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.