'Take-away box' ni Heart nagkakahalaga ng mahigit P100k, hirit ng netizens: 'Happy meal but make it sosyal!' | Bandera

‘Take-away box’ ni Heart nagkakahalaga ng mahigit P100k, hirit ng netizens: ‘Happy meal but make it sosyal!’

Ervin Santiago |January 11,2023
facebook
share this

‘Take-away box’ ni Heart nagkakahalaga ng mahigit P100k, hirit ng netizens: ‘Happy meal but make it sosyal!’

Ervin Santiago - January 11, 2023 - 07:42 AM

'Take-away box' ni Heart nagkakahalaga ng mahigit P100k, hirit ng netizens: 'Happy meal but make it sosyal!'

Heart Evangelista

KALOKA! “Nagwala” na naman ang mga fans ng Kapuso actress na si Heart Evangelista dahil sa sunud-sunod niyang paandar sa Instagram.

Nganga at nag-feeling hampaslupa na naman ang mga netizens na nakatambay at nakaabang sa mga ibinabandera ng aktres at fashion icon sa kanyang social media accounts.

E, kasi nga, walang patumangga ang pagse-share ni Heart ng kanyang mga luxury items na ang price tag ay nagsisimula sa daang-libo hanggang sa milyun-milyon.

Una ngang pinagpiyestahan ng kanyang IG followers ang limited edition niyang handbag na nagkakahalaga ng mahigit P20 million na talagang ikina-shock ng netizens.

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang naturang bag ng aktres. May mga nagsabing sobra-sobra na ang paggastos at pagpo-post niya ng mga mamahaling bagay sa socmed habang patuloy ang pagdami ng mga nagugutom sa Pilipinas.

Pero may mga nagtanggol din naman kay Heart na nagsabing  pinaghirapan naman ng aktres ang lahat ng binibili niyang luxury items at hindi tamang isisi sa kanya ang mga nagugutom na Filipino.

At ang latest nga ay itong bagong post ni Heart sa IG kung saan may bitbit siyang “Take-away Box in Leather” mula sa luxury brand na Yves Saint Laurent.

Base sa online store ng nasabing brand sa Amerika, ang nasabing kahon ay nagkakahalaga ng mahigit P100,000! O jiva! Ang bongga!

Kaloka naman ang mga komento na nabasa namin sa IG post ng misis ni Sen. Chiz Escudero. Narito ang ilan sa mga ito.

“Ipinaramdam na naman niya ang pagiging hampaslupa ko!”

“Paano pa ang ulam?”

“Unang kagat, fashion agad!”

“Mommy, pls put the caviar inside my lunchbox.”

“Pwede bang maging aso sa bahay niyo?”

“You’ve got to be kidding me heartyyy!”

“Happy meal but make it sosyal!”

“Ano na naman to Hearty!? Kakaloka ka! Pati baunan talaga! Kakapikon ka na ha! Oo! Inggit na inggit na kami!”

Wala pang reaksyon si Heart sa mga nagkokomento ng nega sa kanyang magarbo at sosyal na sosyal na lifestyle.

Pink wedding ring ni Jessy nagkakahalaga na ng isang bonggang bahay

Carmina sa mga netizens: Oo, maarte ako, OA ako pero hindi naman ako sosyal

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sosyaling OOTD ni Heart agaw-eksena sa pagbubukas ng 19th Congress; Chiz hindi rin nagpatalbog sa sosyaling Barong Tagalog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending