DEREK binalaan na ng mga kaibigan: CRISTINE mas maldita kay ANGELICA | Bandera

DEREK binalaan na ng mga kaibigan: CRISTINE mas maldita kay ANGELICA

Cristy Fermin - October 06, 2013 - 03:00 AM

Hanggang ngayon ay may mga nagtatanong pa rin sa amin kung ano talaga ang dahilan ng pagkawasak ng pag-iibigan nina Derek Ramsay at Cristine Reyes.

Sino raw ba talaga ang nakipaghiwalay kanino, sino sa kanilang dalawa ang may kasalanan, ano raw ba ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay?

Nakausap na namin nang personal si Derek, nakiusap siya na sana’y maintindihan namin kung hindi man siya magpapainterbyu tungkol sa break-up nila ng dalaga, dahil nangako nga siya sa mommy nito na hindi siya magsasalita.

Basta ang malinaw lang na sinabi ni Derek ay walang may kasalanan sa kanilang dalawa, maayos daw ang kanilang paghihiwalay, magkaibigan pa rin daw sila hanggang ngayon.

Pero malakas ang kutob namin na habang maaga pa ay nakipaghiwalay na si Derek kay Cristine para hindi masyadong magtagal ang kanyang pagsasakripisyo.

Nu’ng una pa lang kasi ay marami nang nagpayo kay Derek na paglabanan ang nararamdaman niya para sa dalaga dahil kung maldita raw si Angelica Panganiban ay mas matindi si Cristine.

Nahalata rin ni Derek na kakaunti lang ang maligaya para sa kanila ng dalaga, kulang na lang na tanungin pa siya ng kanyang mga kaibigan at kakilala kung bakit si Cristine, samantalang napakarami namang ibang babae diyan?

Komento ng isang kaibigan ng isang ex ni Cristine, “Tama lang ang ginawa ni Derek, nakipagkalas agad siya kay Cristine, hindi na niya pinatagal pa ang relasyon nila. Matindi ang babaeng ‘yun, may sariling mundo ‘yun!

“Mas maganda na ang ganyan, para mai-save pa nila ang friendship nila,” maasim na pahayag ng aming source na kilalang-kilala ang ugali ng dalagang aktres.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending