Cristina Gonzales-Romualdez nagpahiwatig ng bonggang Noble Queen of the Universe pageant ngayong 2023 | Bandera

Cristina Gonzales-Romualdez nagpahiwatig ng bonggang Noble Queen of the Universe pageant ngayong 2023

Armin P. Adina - January 08, 2023 - 11:15 AM

Noble Queen of the Universe Cristina Gonzales-Romualdez

Noble Queen of the Universe Cristina Gonzales-Romualdez/ARMIN P. ADINA

KALAKARAN na ng Noble Queen of the Universe Ltd. Inc. (NQULI) na itanghal ang coronation program nito sa bansa ng reigning top winner. Sa Japan isinagawa ang huli sapagkat Japanese ang pinakamataaas na reyna noong nagdaang edisyon, habang sa San Diego naman ginawa ang mas naunang pagkokorona dahil taga-Estados Unidos ang pangunahing titleholder noong 2020. Si dating Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez ang nakasungkit sa pinakamataas na premyo noong nagdaang buwan, kaya nangangahulugan itong Pilipinas muli ang host ngayong taon.

“Medyo bongga ang plano ngayon, dati kasi hindi dahil sa pandemic. May virtual pa nga noong time nina Giselle [Sanchez]. So ngayon mas bongga yata this year,” ibinahagi niya sa Inquirer sa victory party para sa kanya at mga kapwa niya reyna ng 2022 sa Windmills and Rainforest sa Quezon City noong Enero 6.

Noble Queen of the Universe Cristina Gonzales-Romualdez (center) poses with NQULI founder Eren Noche (left) and international director Patricia Javier

Noble Queen of the Universe Cristina Gonzales-Romualdez (center) poses with NQULI founder Eren Noche (left) and international director Patricia Javier./ARMIN P. ADINA

Kinatawan ni Romualdez ang Visayas sa taunang pangyayari, na idinaos sa Tokyo Prince Hotel sa Tokyo, Japan, noong Dis. 29. Tinanggap niya ang korona bilang Noble Queen of the Universe mula kay Modoka Kudeken mula Japan.

Ginawaran din ng NQULI ng titulo ang tatlo pang Pilipinang reyna—sina Noble Queen International Leira Buan mula Mindanao, Noble Queen Earth Sheralene Shirata mula Luzon, at Noble Queen of the Universe Ltd. Marjorie Renner na kumatawan sa Estados Unidos.

Sinabi ni Romualdez na “surreal” para sa kanyang isa na siyang beauty queen sa yugtong ito ng buhay niya. “Hindi ko talaga pinangarap maging beauty queen or in a pageant. Natatakot ako talaga ever since bata ako, alam ko kasi na ang height mga 5’7” o 5’8” kaya never ko talagang pinangarap,” ibinahagi niya.

Former Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez (second from left) is joined by her fellow 2022 NQULI titleholders (from left) Leira Buan, Sheralene Shirata, and Marjorie Renner.

Former Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez (second from left) is joined by her fellow 2022 NQULI titleholders (from left) Leira Buan, Sheralene Shirata, and Marjorie Renner./ARMIN P. ADINA

Nagsanay siya sa ilalim ng tanyag na beauty queen-maker na si Rodgil Flores mula sa patok na “Kagandahang Flores” pageant camp para sa paglalakad sa entablado. “Actually sa Japan ninerbyos pa rin ako, kahit sanay na ako sa crowd. Sa parties at pag-arte hindi ako nahihiya, pero iyong walking medyo nahihiya-hiya pa ako. Parang hindi ako sanay,” ani Romualdez.

Ngunit masaya umano siyang sinubukan niya itong gawin, sapagkat nagkaroon siya ng maraming kaibigan mula sa ibang bansa. Umaasa rin siyang makatutulong ang mga bagong kaibigan at ang korona niya upang palawigin ang pagtulong niya sa mga inabusong babae at bata.

Sinabi ni Romualdez na inaalay niya ang tagumpay niya sa Diyos, sapagkat “kung ano ang ginagawa ko it’s for the Lord talaga.”

Ang kapwa niya aktres na si Patricia Javier, NQULI national director para sa Pilipinas at international director din, ang humikayat kay Romualdez na sumabak sa Noble Queen of the Universe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending