Pelikulang ‘Gran Turismo’ handa nang makipag karera sa mga sinehan
NGAYONG bagong taon, umaapaw na ang mga bago at kakaibang pelikula na talaga namang aabangan ng madlang pipol.
Isa na riyan ang biographical sports drama film na may titulong “Gran Turismo.”
Para sa kaalaman ng marami, ang nabanggit na movie title ay hango mismo sa racing simulation video games ng may kaparehong pangalan na sumikat noong dekada nobenta.
Pero ang twist lang dito ay iikot ang kwento ng pelikula sa istorya ng tunay na buhay ng isang professional racecar driver na si Jann Mardenborough.
Si Jann ay isang Gran Turismo game player na madalas manalo sa ilang Nissan competitions at dahil diyan ay natupad ang pangarap niya na maging professional racer.
Kalalabas lang ng trailer ng “Gran Turismo” at ipinakita na kaagad kung gaano ka-intense ang mga eksena sa isang racing competition.
Ayon pa nga sa mga cast at crew ng pelikula, iba-ibang emosyon ang mararamdaman kapag pinanood ito.
“It’s a movie based on a true life story with heart pounding action and drama and love story and it’s bad ass race car action,” sey ng mga bumubuo ng bagong movie.
Tampok sa “Gran Turismo” sina David Harbour, Orlando Bloom, Archie Madekwe, Darren Barnet, Geri Halliwell Horner at Djimon Hounsou.
Nakatakda itong ipalabas sa mga lokal na sinehan ngayong 2023.
Related chika:
Spider-man may bagong animated film; Hollywood film na ‘65’ nagpanerbiyos sa trailer
‘Transformers’ magbabalik pelikula na, mga bagong karakter ipinakilala sa trailer
Channing Tatum muling magpapainit sa finale ng ‘Magic Mike’, naglabas na ng trailer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.