Paolo Contis binati si Summer sa kanyang birthday, makikipag-ayos na nga ba kay LJ?

Paolo Contis binati si Summer sa kanyang birthday, makikipag-ayos na nga ba kay LJ?
MUKHANG miss na miss na ng actor-comedian na si Paolo Contis ang anak niyang si Summer.

Nitong Miyerkules ng gabi, January 4, ibinahagi ng aktor ang throwback photo nila ng anak sa kanyang Instagram account.

“Happy birthday my Ganda! I miss you everyday!” saad ni Paolo sa caption.

Mahigit isang taon na ngang hindi nakakasama at nakikita nang personal ng aktor si Summer matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila ng dating partner na si LJ Reyes.

Matatandaang nagdesisyong tumungo patungong New York si LJ noong Setyembre 2021 nang pumutok ang balitang hiwalayan nila ni Paolo.

Mula nga noon ay tila hindi na nagkasama ang dalawa at hindi naman sure ang madlang pipol kung nag-reach out ba ang aktor sa dating kasintahan upang makasama o makausap ang anak.

Sign na nga ba ang pagpo-post ng aktor para makipag-ayos sa dating partner upang makasamang muli ang anak?

Well, ayon sa message ni Paolo sa pep.ph, kung ano man daw ang plano niya na involved ang anak na si Summer at dating partner na si LJ ay nais niyang maging pribado.

Si Summer ang pangatlong anak ng aktor dahil may dalawa itong anak sa estranged wife niyang si Lian Paz na sina Xalene at Xonia.

Si Summer nga ang pinakamalapit sa aktor dahil nasubaybayan niya ang paglaki nito habang nagsasama pa sila ni LJ.

Sa ngayon ay wala namang komento si LJ sa birthday greeting ni Paolo sa kanilang anak.

Related Chika:
#OMG: Hiwalay na nga ba sina Paolo Contis at LJ Reyes?

Paolo Contis balak bisitahin si Summer; deadma sa interview ni LJ

Hirit ni Lolit, LJ hindi dapat ilayo ang mga anak sa kanilang ama: Paolo was trying to be a good father

LJ Reyes masayang nakipag-bonding sa mga anak: Best way to keep them away from screen

Read more...