LJ Reyes masayang nakipag-bonding sa mga anak: Best way to keep them away from screen | Bandera

LJ Reyes masayang nakipag-bonding sa mga anak: Best way to keep them away from screen

Therese Arceo |February 24,2022
facebook
share this

LJ Reyes masayang nakipag-bonding sa mga anak: Best way to keep them away from screen

Therese Arceo - February 24, 2022 - 08:51 PM

LJ Reyes masayang nakipag-bonding sa mga anak: Best way to keep them away from screen

NAGBAHAGI ng ilang mga larawan at video si LJ Reyes na kuha mula sa kanyang recent bonding kasama ang mga anak na si Aki at Summer.

Sa kanyang Instagram ay ibinandera nga ng actress-vlogger ang kanilang fun day together sa isang mall.

“Mga pagoda! Best way to keep them away from screens is to keep them busy physically!” pagbabahagi ni LJ.

Aniya, kahit na minsan ay talagang napapagod siya sa tuwing nasa labas siya with kids ay ayos lang kahit na sa tuwing nasa labas sila ay bet na bet ng dalawq na maghiwalay.

“Gusto ring mahati ng katawan ko para sundan sila ng sabay kaso di pala pwede yun but so happy they enjoyed the weekend!” dagdag pa ni LJ.

Ikinuwento rin ng aktres kung paano tinuruan ni Kuya Aki ang kanyang kapatid na si Summer sa paglalaro ng golf.

“Miss you!!!!” comment ng kaibigan at kapwa mommy na si Chynna Ortaleza-Cipriano.

Reply naman ni LJ, “Waaaahhh we miss you Ninang! And the whole fam bam”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

Marami sa mga netizens ang naaliw sa naging family date nina LJ.

“You’re so lucky to gace those two beauriful angels,” saad ng user na si @ynnej_picardal.

Comment naman ni @deerose_ballares, “God bless you more, LJ! Nice to see you happy with your fam! Their growing up too fast. Ang cucute nila. Stay healthy and safe.”

Marami rin ang natutuwa dahil tila nakakapag-adjust na ang mga bata sa kanilang paninirahan sa New York City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang tumungo papuntang Amerika noong Agosto 2021 sina LJ kasama ang dalawang anak matapos ang kontrobersyal na paghihiwalay nila ng dating partner at ama ni Summer na si Paolo Contis.

Sa ngayon ay doon na rin ipinagpatuloy ng kanyang panganay na si Aki ang pag-aaral.

Related Chika:
Sey mo Paolo, LJ excited nang mag-Pasko sa US: Can’t wait to celebrate Jesus with a renewed heart!
Paulo walang ibang hiling kundi ang makasama ang anak kay LJ: And be with you growing up…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending