‘Walang pasok’ idineklara sa ilang lugar sa Laguna, Palawan bunsod ng masamang panahon

‘Walang pasok’ idineklara sa ilang lugar sa Laguna, Palawan bunsod ng masamang panahon

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

NAGDEKLARA ng walang pasok ang ilang paaralan sa Laguna at Palawan dahil sa patuloy na pag-uulan sa kanilang lugar.

Narito ang listahan:

ALL LEVELS

  • Sinaloan, Laguna

  • Paete, Laguna

  • Brooke’s point, Palawan

SELECTED LEVELS

  • Calamba City, Laguna (elementary to senior high school)

Sa kasalukuyan, wala pang bagyo na binabantayan ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ang Low Pressure Area (LPA) naman na mino-monitor ng ahensya nitong mga nakaraang araw ay nakalabas na ng ating bansa.

“Kaninang alas dos ng umaga, ang LPA na mino-monitor natin ay nasa labas na nga ng ating area of responsibility at wala itong direct effect sa anumang bahagi ng ating bansa,” sey ni Weather Specialist Grace Castañeda sa isang press briefing ngayong January 6.

Paliwanag pa ng Weather Specialist, ang nagdudulot ng mga ulan sa ilang bahagi ng ating bansa ay ang dalawang weather system, ang Shearline at Northeast Monsoon o hanging amihan.

“Sa kasalukuyan ay shearline pa rin ang umiiral dito sa silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas at northeast monsoon naman ang patuloy na nakakaapekto sa nalalabing bahagi ng Luzon kung saan itong dalawang weather systems na ito ang patuloy na nagdudulot ng pag-ulan sa malaking bahagi ng ating bansa,” saad ni Castañeda.

Dagdag pa niya, “Sa kasalukuyan ay wala rin tayong mino-monitor or namamataan na iba pang sama ng panahon na maaaring makaapekto dito sa ating bansa.”

Read more...