Promise ni Sarah sa mga Popsters: Excited po ako sa 2023 dahil marami-rami akong surprises sa inyo! | Bandera

Promise ni Sarah sa mga Popsters: Excited po ako sa 2023 dahil marami-rami akong surprises sa inyo!

Ervin Santiago - January 05, 2023 - 08:43 AM

Promise ni Sarah sa mga Popsters: Excited po ako sa 2023 dahil marami-rami akong surprises sa inyo!

Sarah Geronimo

NANGAKO ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa lahat ng kanyang fans all over the universe na marami siyang inihandang sorpresa para sa mga ito ngayong 2023.

Babawi raw ang award-winning singer-actress sa madlang pipol this year matapos mawala nang matagal-tagal sa mundo ng showbiz.

In fairness, maganda rin ang pasok ng Year of the Water Rabbit kay Sarah G dahil bukod sa pagri-release ng mga bago niyang kanta ay pinarangalan pa siya bilang “Top Equal Philippines Artist” for 2022 ng Spotify.

Napapanahon din ang campaign ng nasabing music streamer na “Equal” na nakasentro sa lahat ng female creators from around the world.

“Thank you very much Spotify for awarding me as the Top Equal Philippines Artist for the year 2022.

“Thank you very much to everyone who has streamed my music. Maraming maraming salamat po Popsters. Thank you, Spotify,” ang mensahe ni Sarah sa lahat ng Popsters na mapapanood sa isang video na in-upload sa lahat ng kanyang social media accounts.

Pahabol pang pahayag ng misis ni Matteo Guidicelli, “Excited to share more music this 2023!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sarah Geronimo (@justsarahgph)


Bago matapos ang 2022 ay inilabas nga ni Sarah ang kantang “Sansinukob, Salamat” na aniya’y isa sa kanyang paraan para ibalik ang pasasalamat sa lahat ng taong patuloy na nagmamahal at nagtitiwala sa kanya.

Para rin ito sa lahat ng mga tagasuporta niya na hindi pa rin bumibitiw sa pagsubaybay sa kanya kahit na nagdesisyon na siyang lumagay sa tahimik para bumuo na sarili niyang pamilya.

Nauna rito, ni-release na rin last October ang kanyang back-to-back single na “Dati-Dati” at “Cuore.” Live na rin siyang napanood last week sa “ASAP Natin ‘To” at sa “It’s Showtime,” makalipas ang mahigit dalawang taon.

“Excited po ako for the coming year dahil akalain niyo po marami-rami ang surprises ko sa inyo mga Popsters,” ang promise niya sa lahat ng Popsters nang mag-guest nga siya sa “It’s Showtime”.

Simula noong 2020, hindi na napanood si Sarah nang live sa mga programa ng ABS-CBN. Tumigil na rin siya sa paggawa ng pelikula after ng kasal nila ni Matteo.

Sarah Geronimo buntis na nga ba kaya hindi tumatanggap ng out of town shows?

Paglipat ni Sarah Geronimo sa GMA fake news, tuloy pa rin bilang Kapamilya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sarah Geronimo may paalala sa mga botante: God bless the Philippines!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending