Sunshine, 3 anak super happy nang makasama ang pamilya ni Cesar sa pagsalubong ng Bagong Taon, miss na miss na raw ang Bohol | Bandera

Sunshine, 3 anak super happy nang makasama ang pamilya ni Cesar sa pagsalubong ng Bagong Taon, miss na miss na raw ang Bohol

Ervin Santiago |January 03,2023
facebook
share this

Sunshine, 3 anak super happy nang makasama ang pamilya ni Cesar sa pagsalubong ng Bagong Taon, miss na miss na raw ang Bohol

Ervin Santiago - January 03, 2023 - 07:59 AM

Sunshine, 3 anak super happy nang makasama ang pamilya ni Cesar sa pagsalubong ng Bagong Taon, miss na miss na raw ang Bohol

Sunshine Cruz at Cesar Montano kasama ang kani-kanilang pamilya

SOBRANG na-enjoy ng aktres at celebrity mom na si Sunshine Cruz ang Bohol kung saan sila nagdiwang ng holiday season ng kanyang tatlong anak.

And yes, magkasama ngang sinalubong ng dating mag-asawang Sunshine at Cesar Montano ang Bagong Taon together with the other members of their respective families.

Mismong si Sunshine ang nag-post sa Instagram ng mga litrato nila ng kanyang mga anak kasama si Cesar at ang current partner nitong si Kath Angeles. Naroon din siyempre ang kanilang mga anak.

Makikita rin sa mga photos na ibinahagi ni Sunshine sa IG ang isa pang anak ni Cesar (kay Teresa Loyzaga) na si Diego Loyzaga.

Sa caption ng kanyang Instagram post nitong nagdaang January 1, pinasalamatan ni Sunshine ang ex-husband pati na si Kath na siyang nag-host ng kanilang New Year dinner.

“Cesar and Kath, thanks for hosting tonight’s dinner. The girls and I had a wonderful time chatting and catching up with all of you.

“We’ve missed Bohol and masaya kami na nakasama namin kayo dito sa New Year celebration.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)


“Happy to see my dive instructor Holger Horn too! Once again, Happy New Year everyone from our family to yours,” ang mensahe pa ni Sunshine.

Nauna rito, bago pa sumapit ang Bagong Taon, nag-post na si Sunshine ng ilang New Year countdown photos sa Bohol kasama ang tatlong anak.

“Looking back at 2022 and feeling grateful. I am so ready for you 2023,” ang isinulat niyang caption.

Maraming natutuwa sa magandang relasyon ngayon nina Cesar at Sunshine, kabilang na siyempre ang kanilang mga anak.

Ang unang public appearance together ng dating mag-asawa ay naganap last August, 2022 nang magkasama sila sa 18th birthday ng anak nilang si Sam.

Pero kung super happy ngayon sa kanyang lovelife si Cesar, mukhang solo flight muna uli si Sunshine dahil balitang naghiwalay na nga sila ng kanyang boyfriend na si Macky Mathay.

Sunshine, 3 anak nagpasabog ng kaseksihan sa Bohol; nakipag-bonding din kina Cesar at Diego

Sunshine Cruz rumesbak sa netizen na nagsabing siya ang rason sa paghihiwalay nila ni Cesar: You know nothing

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sunshine Cruz sa muling pagkikita nila ni Cesar Montano: God’s perfect timing!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending