Heart mukhang hindi naman daw masaya sa muling pagkikita nila ni Chiz: 'Baka naman pagod lang' | Bandera

Heart mukhang hindi naman daw masaya sa muling pagkikita nila ni Chiz: ‘Baka naman pagod lang’

Reggee Bonoan - January 01, 2023 - 10:39 AM

Heart mukhang hindi naman daw masaya sa muling pagkikita nila ni Chiz: 'Baka naman pagod lang'

Heart Evangelista at Chiz Escudero

MARAMING social media followers si Heart Evangelista ang natuwa at na-excite nang mag-post diya ng larawang kasama ang asawang si Sen. Chiz Escudero at ang kambal nitong anak na sina Chesi at Quino.

Kuha ito sa loob ng kanilang bahay sa tabi ng kulay blue nilang Christmas tree.

May litrato rin siya na bahagyang nakatalikod at kitang-kita ang suot na YSL black cashmere. Meron ding larawan kung saan nakaupo si Sen. Chiz habang nakatayo naman si Mrs. Escudero.

Iba-iba ang reaksyong nabasa namin mula sa netizens pero karamihan nga ay nagsabing masaya sila na magkasama muli ang mag-asawa.

Mula kay @Sittie Novaisahannan Yahya-Guro, “Just talk about what ever is to settle..I love you both. Sometimes sacrifice help the relationship keep going.”

Gayun din si @Cindy Laxa Botones, “Ur home at last very happy for u Ms Heart ur family.”

Nanaig pa rin daw ang pagmamahalan nina Chiz at Heart kaya sabi ni @Nerissa Felix, “Love wins Ms Heart and sen.Chiz. Happy New Year!”

Tila may agam-agam pa rin si @Fernando Vallega Ridulme sa relasyon ng dalawa, “Sana tuloy2x na good news kung totoo.”

Obserbasyon naman ni @Mary Ann C. Magsalin, “The smiles do not reach the eyes.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Anyway, marami rin kaming nakausap na taga-showbiz na nagsabing masaya sila sa muling pagsasama nina Heart at Sen. Chiz bago magpalit ang taon pero halata raw sa mga mata ng una na tila pilit ang mga ngiti nito o baka masama ang pakiramdam.

May nagsabi naman na baka pagod lang at pumayat lalo si Heart kaya kapansin-pansin na iba ang aura nito.

Anyway, anuman ang interpretasyon ng iba sa mga larawang ipinost ni Heart ang mahalaga ay magkasama pa rin sila ni Sen. Chiz at ang mga anak nito at suot na ng una ang wedding ring niya.

Heart, Chiz may pinagdaraanan bilang mag-asawa, totoo nga kayang naghiwalay na?

Heart lagot kay Chiz: Saan ka na naman nag-shopping? Ano yan, ha?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May mga alaalang nagbalik sa pagbisita ni Alice Dixson sa Niagara Falls

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending