Jose Mari Chan ayaw tanggapin ang titulong 'Mr. Christmas', mas gustong tawaging 'Little Drummer Boy' | Bandera

Jose Mari Chan ayaw tanggapin ang titulong ‘Mr. Christmas’, mas gustong tawaging ‘Little Drummer Boy’

Ervin Santiago - December 29, 2022 - 08:25 AM

Jose Mari Chan ayaw tanggapin ang titulong 'Mr. Christmas', mas gustong tawaging 'Little Drummer Boy'

Jose Mari Chan

AYAW tanggapin ng OPM icon at award-winning singer-composer na si Jose Mari Chan ang titulong ikinakabit sa pangalan niya na “Mr. Christmas”.

Sa loob ng mahabang panahon, si Jose Mari Chan ang nagsisilbing hudyat ng pagsisimula ng holiday season sa Pilipinas dahil sa kanyang mga classic Christmas songs.

Sa katunayan, pagpasok pa lang ng “Ber months” ay pinatutugtog na ang walang kamatayang kanta niyang “Christmas In Our Hearts” na naging Pambansang Pamaskong kanta na ng mga Filipino.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jose Mari chan (@204_607_9009)


Bukod dito, taun-taon ding nagba-viral at nagte-trending ang mga nakakatuwa at nakakaaliw na social media memes gamit ang kanyang mukha.

Sa interview ng programang “Sakto” kahapon, sinabi ng premyadong singer-composer na may gusto niyang tawagin siyang “Little Drummer Boy” na nagsisilbing  messenger sa pagsisimula ng Christmas season kesa sa “Mr. Christmas.”

“I am sorry, but I don’t want to be called Mr. Christmas. I don’t want too much attention to be taken away from the real meaning of Christmas.

“Ako, I am just the messenger. I am the little drummer boy that announces the advent of the Christmas season,” paliwanag ni JMC.

Bukod sa “Christmas in Our Hearts,” ilan pa sa mga classic hits ni Jose Mari Chan na laging pinatutugtog tuwing sasapit ang Kapaskuhan ay ang “Going Home to Christmas” at “A Perfect Christmas.”

#PaskoNa: Jose Mari Chan bida na naman ngayong Ber months

Jose Mari Chan ‘reflection time’ ang Pasko; ‘Hero City Kids Force’ ipapalabas kasabay ng selebrasyon ng National Children’s Month

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alfred Vargas mas lalo pang ginanahang tumulong matapos tanggapin ang IVR award sa The EDDYS; balik-pelikula sa 2023

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending