Son Ye Jin pinasilip sa publiko ang first baby nila ni Hyun Bin | Bandera

Son Ye Jin pinasilip sa publiko ang first baby nila ni Hyun Bin

Pauline del Rosario |December 25,2022
facebook
share this

Son Ye Jin pinasilip sa publiko ang first baby nila ni Hyun Bin

Pauline del Rosario - December 25, 2022 - 10:33 AM

Son Ye Jin pinasilip sa publiko ang first baby nila ni Hyun Bin

PHOTO: Instagram/@yejinhand

PINASILIP sa social media ng “Crash Landing On You” star na si Son Ye Jin ang first baby nila ng reel-to-real life partner na si Hyun Bin.

Matatandaang November 27 pa nang isinilang ni Ye Jin ang panganay na anak matapos ang walong buwang kasal.

Ibinalita pa nga noon ng talent agency ng aktres na MSTeam Entertainment na nasa maayos na kalagayan ang aktres at malusog ang baby.

Sa isang Instagram post ay ibinandera mismo ng Korean actress ang isang black and white photo na ipinapakita lang muna ang mga paa ng kanyang anak.

Kalakip din ng kanyang post ang napakahabang mensahe ng pasasalamat, hindi lang para sa mga patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kanya kundi dahil naging super special daw ang taong 2022.

“This year was extra special for me. As you know, a precious life has been born to us,” Saad niya sa caption.

Patuloy pa niya, “There are so many people to be thankful for. I felt like I’m becoming an adult by having a child.

“In this precious life, I realized that we are all someone’s daughter and son, and babies shine with their own existence.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 손예진 (@yejinhand)

Pinasalamatan niya rin ang kanyang asawa na mahal na mahal daw siya.

“I met someone who loves me more than anything, I felt like I could do anything even through my powerlessness,” isinulat niya sa post.

Naikuwento pa niya na nabahala siya noong nalaman niyang manganganak na siya dahil napaaga ang due date ng kanyang panganganak.

Pero, aniya, naging malakas ang kanyang loob dahil sa mga natatanggap niyang mga dasal mula sa fans.

“I was worried about the baby who arrived earlier (than expected), but it was a chance to succeed in giving birth naturally. He was safely delivered, thanks to the prayers of everyone surrounding us and our fans. Thank you very much to all of you,” saad ni Ye Jin.

Matatandaan noong Oktubre nang nagpa-gender reveal ang celebrity couple at masayang ibinalita na isang baby boy ang kanilang panganay.

Noong Hunyo nang inanunsyo ng first time parents na magkaka-baby na sila.

Noong Marso sila ikinasal sa isang private ceremony sa Seoul, South Korea matapos ang ilang taong relasyon.

Unang nagkakilala ang dalawa noong 2018 dahil sa pelikulang “The Negotiation” at nagsimula naman silang mag-date matapos magtambal sa hit Korean drama na “Crash Landing On You.”

Related chika:

Son Ye Jin isinilang na ang first baby nila ni Hyun Bin, Pinoy fans nagdiwang: Congrats!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Son Ye Jin, Hyun Bin may pa-gender reveal sa first baby, fans nagdiwang: ‘So happy for my idol’

Hyun Bin, Son Ye Jin ikinasal na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending