Son Ye Jin isinilang na ang first baby nila ni Hyun Bin, Pinoy fans nagdiwang: Congrats! | Bandera

Son Ye Jin isinilang na ang first baby nila ni Hyun Bin, Pinoy fans nagdiwang: Congrats!

Pauline del Rosario |November 28,2022
facebook
share this

Son Ye Jin isinilang na ang first baby nila ni Hyun Bin, Pinoy fans nagdiwang: Congrats!

Pauline del Rosario - November 28, 2022 - 10:33 AM

Son Ye Jin isinilang na ang first baby nila ni Hyun Bin, Pinoy fans nagdiwang: Congrats!

PHOTO: Instagram/@yejinhand

IT’S official!

Isa nang tunay na mga magulang ang “Crash Landing On You” stars na sina Son Ye Jin at Hyun Bin!

Isinilang na kasi ang kanilang first baby matapos ang ilang buwang kasal.

Ayon sa South Korean media outlet na Soompi, masayang ibinalita ng talent agency ni Ye Jin na “MSTeam Entertainment” na nasa maayos na kalagayan ang aktres at malusog ang kanilang baby.

“Son Ye Jin gave birth to a son today. Both the mother and child are in good health,” ayon sa pahayag ng ahensya na nakuha ng Soompi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 손예진 (@yejinhand)

Maraming Pinoy fans naman ang tuwang-tuwa sa magandang balita at karamihan sa kanila ay nagpaabot ng “congratulatory” messages.

Narito ang ilan sa mga nakita naming posts.

“I’m sooo happy for them! I can’t believe we actually got to see this journey…dating, marriage, baby… (red heart emoji) Congratulations #SonYeJin and #HyunBin!!”

“Congratulations! I’m just so happy but more than anything, I felt relieved knowing that #SonYeJin & the baby are both healthy & in good condition. This what I have prayed for!”

“Congrats! Rest & eat well Mommy YeJin. Enjoy motherhood I know it’s not easy but you can do it!”

Matatandaan noong nakaraang buwan ng nagpa-gender reveal ang celebrity couple at masayang ibinalita na isang baby boy ang kanilang panganay.

Noong Hunyo nang inanunsyo ng first time parents na magkaka-baby na sila.

Noong Marso sila ikinasal sa isang private ceremony sa Seoul, South Korea matapos ang ilang taong relasyon.

Unang nagkakilala ang dalawa noong 2018 dahil sa pelikulang “The Negotiation” at nagsimula naman silang mag-date matapos magtambal sa hit Korean drama na “Crash Landing On You.”

Related chika:

Son Ye Jin, Hyun Bin may pa-gender reveal sa first baby, fans nagdiwang: ‘So happy for my idol’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hyun Bin, Son Ye Jin ikinasal na!

Son Ye Jin aminadong si Hyun Bin ang kanyang first love

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending