Sandara Park nagsayaw ng tinikling sa Bohol, netizens tuwang-tuwa: ‘Dara is always a Filipina by heart’ | Bandera

Sandara Park nagsayaw ng tinikling sa Bohol, netizens tuwang-tuwa: ‘Dara is always a Filipina by heart’

Pauline del Rosario - December 24, 2022 - 10:57 AM

Sandara Park nagsayaw ng tinikling sa Bohol, netizens tuwang-tuwa: ‘Dara is always a Filipina by heart’

MUKHANG dito sa Pilipinas magpa-Pasko ang Pambansang Krung Krung na si Sandara Park.

Kasalukuyan kasi siyang nagbabakasyon sa Bohol at base sa kanyang mga post sa social media ay tatlong araw na siyang nandoon.

Caption pa niya sa Instagram two days ago, “Dara Tour is back~!!! One of those days when it was snowing… (snowflakes emoji) Dara Tour to Bohol (airplane emoji) #itsmorefunwithDARATOUR #DaraTourInBohol”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sandara Park (@daraxxi)

Kasunod ng post na ‘yan ay ang video niya habang nagsasayaw ng isa sa mga sinaunang sayaw ng bansa, ang tinikling, na lubos namang ikinatutuwa ng daan-daang libong netizens.

Sey pa ni Sandara sa Instagram, “Tourist Dara’s #tinikling challenge!!! the national dance of the Philippines (laughing emojis) hirap… nakalimutan ko na! Practice pa more!!! #DaraTour in #Bohol”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sandara Park (@daraxxi)

Maraming netizens naman ang napa-comment at bumilib sa pagiging pusong Pinoy ng Korean star.

Narito ang ilan sa mga komento na aming nabasa:

“Atengg this made me so emotional ewan ko ba (crying face emoji)  Philippines is not just your home but you are our home, too. Thank you for loving us and our culture unconditionally. I love you so so much Ate Dara!!! (blue, purple heart emojis)”

“SALAMUCH for not forgetting Filipinos.. we luv u sooooo much (purple heart emojis)”

“Ang galing! Natutuwa ako na di ka nakakalimot. Mas magaling ka pa kaysa sa ibang mga Pinoy na naninirahan sa ibang bansa. Language, culture, traditions and ang pagiging makabayan ay lagi nang nasa puso mo. (heart eyes emojis)”

Matatandaang taong 2004 nang unang sumikat dito sa ating bansa si Dara matapos sumali sa talent search na “Star Circle Quest.”

Nagkaroon ng ilang proyekto si Dara sa bansa, pero kalauna’y umuwi na siya sa South Korea at doon ipinagpatuloy ang kanyang showbiz career.

Noong 2009 nang maging miyembro siya ng iconic K-Pop girl group na “2NE1.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related chika:

Sandara Park pak na pak sa viral birthday bikini photo: ‘Forever young, Dara!’

‘Pambansang Kamao’ meets ‘Pambansang Krung Krung’, Manny Pacquiao in demand sa South Korea

Jinkee-Manny Pacquiao nag-dinner sa South Korea kasama si Ji Chang Wook, netizens muling napa-’sana all’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending