‘Pambansang Kamao’ meets ‘Pambansang Krung Krung’, Manny Pacquiao in demand sa South Korea | Bandera

‘Pambansang Kamao’ meets ‘Pambansang Krung Krung’, Manny Pacquiao in demand sa South Korea

Pauline del Rosario |October 15,2022
facebook
share this

‘Pambansang Kamao’ meets ‘Pambansang Krung Krung’, Manny Pacquiao in demand sa South Korea

Pauline del Rosario - October 15, 2022 - 02:30 PM

Manny Pacquiao, Sandara Park

Manny Pacquiao, Sandara Park (PHOTO: Instagram/@mannypacquiao)

TILA hindi na nga ma-reach ang kasikatan ng ating “Pambansang Kamao” at boxing legend na si Manny Pacquiao.

Sunod-sunod kasi ang proyekto ng pinoy boxing icon sa South Korea!

Aba mga ka-bander, naghahanap pa tayo ng “oppa” eh si Manny lang pala ang katapat ng mga kinababaliwan natin mga Korean stars.

Sa latest Instagram post ng pambansang kamao ay ibinandera niya ang isang litrato na kasama niya at ng kanyang misis na si Jinkee ang dating miyembro ng K-Pop group na “2NE1” na si Sandara Park.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Manny Pacquiao (@mannypacquiao)

Sa mga hindi pa nakakaalam, magkakaroon ng “guest apperance” si Manny kasama si Sandara sa isang Korean variety show na “Knowing Brothers.”

Nasa Facebook account pa nga ng dating senador ang ilang “behind-the-scenes” photos nilang dalawa habang nagre-“recording.”

Caption pa sa post, “More Behind the Scenes in Korea.

Manny Pacquiao and Sandara Park recording for Knowing Brothers tonight.”

Maliban pa riyan, may “guesting” din si Pacman sa isa pang Korean variety show na pinamagatang “Running Man.”

Inanunsyo ito mismo ng official IG account ng show at sinabing mapapanood ang episode ni Manny sa October 23.

Ayon pa sa post, “Members and crew are all in fan mode.

“The best race ever with ‘legend boxer’ Manny Pacquiao, see you on the 23rd.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 런닝맨 RunningMan (@sbs_runningman_sbs)

Pati si Manny tila “excited” na sa kanyang guesting sa “Running Man” at nag-post pa sa Facebok ng “sneak peek.”

Wait, there’s more mga ka-bandera!

Isa rin sa mga naging pakay ni Pacman sa South Korea ay para mag-ensayo sa nalalapit niyang “exhibition fight” na kung saan ang makakalaban niya ay ang Korean YouTuber at mixed martial arts fighter na si DK Yoo.

Sa Diyembre mangyayari ang “exhibition match” ng dalawa.

Matatandaang noong Setyembre ng nakaraang taon nang inanunsyo ni Pacman ang kanyang pagreretiro sa larangan ng boxing.

Read more:

Manny Pacquiao, Chavit Singson nagkabati na: ‘Because friendship is stronger than politics’

Michael Pacquiao ‘duguang’ nagwagi sa unang laban sa boksing, susunod na nga ba sa yapak ni Pacman?

Jose Mari Chan feeling blessed sa pagkakaroon ng sariling Funko pop; ka-level na sina Pacquiao at Jo Koy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending