Nadine Lustre ayaw pang mabuntis at magkaanak: 'If I have kids, paano ko sila bubuhayin?' | Bandera

Nadine Lustre ayaw pang mabuntis at magkaanak: ‘If I have kids, paano ko sila bubuhayin?’

Ervin Santiago - December 15, 2022 - 07:51 AM

Nadine Lustre ayaw pang mabuntis at magkaanak: 'If I have kids, paano ko sila bubuhayin?'

Nadine Lustre

SA puntong ito ng kanyang buhay at career, hindi pa naiisip ng premyadong aktres na si Nadine Lustre ang magbuntis at magkaroon ng mga anak.

Wala pa sa mga plano ng dalaga ang maging mommy at hindi pa rin daw niya sa ngayon kung gusto nga ba niyang magdalang-tao at maging ina in the future.

Sa isang panayam, tila sarado pa rin ang isip at puso ng lead star ng horror-suspense movie na “Deleter” sa pagkakaroon ng sariling baby.

“I’m securing myself na. With the things I’m investing in now, and the things that I’m doing, I ask myself, ‘Is this going to sustain me for the rest of my life?’ Nandoon na siya,” ang pahayag ni Nadine sa panayam ng Mega Entertainment.

Sey ng aktres, sa pagsapit niya ng edad 30 next year ay nananatili pa rin ang kanyang prayoridad sa buhay — ang kanyang career at pamilya at hindi pa nga kasama rito ang pagkakaroon ng anak.

“I don’t want kids yet. I don’t even know if I want kids. Let’s see. If it happens, it happens,” sey ni Nadine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)


Dugtong ng dalaga, “Ngayon kasi, nandoon na headspace ko, if I have kids, paano ko sila bubuhayin? Adulting na talaga.”

Matatandaang nabanggit noon ni Nadine sa isang panayam na hindi siya naniniwala sa pamantayan ng pagkakaroon ng anak ng mga kababaihan, lalo na sa pagtuntong sa edad na 30.

Kasunod nito, sinabi rin ng aktres na baka raw mag-ampon na lang muna siya at bukas naman siya sa pagiging nanay pagdating ng tamang panahon.

“Just because, there are so many people na on Earth, and I do believe that there are lots of kids who don’t have parents and who need taking care of.

“So I feel like if I do wanna have kids, I might just adopt. Sustainability!” ayon kay Nadine.

Super happy ngayon ang dalaga sa piling ng kanyang Filipino-French businessman boyfriend na si Christopher Bariou na naka-base ngayon sa Siargao.

Busy ngayon si Nadine sa pagpo-promote ng kanyang Metro Manila Film Festival 2022 entry na “Deleter” na showing na nationwide simula sa December 25.

Nadine umaming ‘masokista’ pagdating sa pagpili ng project: Gusto ko po kasi yung nahihirapan ako

Sharon naturukan na ng COVID-19 vaccine sa US: I just wish my kids could get it too soon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Megan Young, Mikael Daez sa pagkakaroon ng mga anak: That’s not a problem with us

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending