Angel Locsin balik sa pagiging action star sa Pinoy version ng ‘Call My Agent’, ididirek ni Erik Matti
“THE Action Drama Queen is Back on Primetime!” Yan ang nakita naming teaser na naka-post sa Facebook page ng Kapamilya World.
Ang tinutukoy na action drama queen ay walang iba kundi si Angel Locsin. Ito ang tawag sa aktres nang mapanood siya sa TV series na “The General’s Daughter” bukod pa sa “Lobo” at “La Luna Sangre” kung saan meron siyang mga fight scenes.
Base pa sa post ng KW ay gagawin ni Angel kasama si Edu Manzano ang Philippine remake ng French series na “Call My Agent” na sisimulan ang shooting sa Abril o Mayo, 2023.
Ang direktor ng “Call My Agent” ay ang nanalo sa ika-5 edisyon ng The EDDYS at sa Gawad Urian 2022 para sa pelikulang “On the Job: The Missing 8” na si Erik Matti. Ang executive producer nito ay si Dondon Monteverde at isusulat nina Senedy Que, Jingky Laurel at Chris Violago.
Pero hindi ito mapapanood sa Kapamilya network dahil ang eight-part series ng serye ay sa HBO Go eere.
Ayon pa sa post, “Call My Agent! is a 2015 comedy-drama that follows the lives of agents at Parisian talent firm Agence Samuel Kerr after the death of their founder. The series is currently available in the Philippines via Netflix.”
Pagkalipas ng tatlong taon ay mapapanood na ulit si Angel na umaarte at nag-aaksyon. Huli siyang napanood sa “The General’s Daughter” noong 2019. Pero napanood naman siya bilang host ng programang “Iba ‘Yan” last year na ang asawang si Neil Arce ang direktor.
View this post on Instagram
Samantala, habang sinusulat namin ang balitang ito ay mahigit 600 na komento ng netizens sa thread ng Kapamilya World na pawang positibo. Sa wakas daw ay mapapanood na nila ang aktres with Edu na tinawag pa nilang perfect combination.
Sabi ni @Merla Caturay, “Perfect combination and congrats to both of you.”
Maging si @Jessey Alon ay nagulat sa balitang ito, “OMG our Queen Angel is coming to Town next year CALL My AGENT ABANGAN God is good Good Job & Good luck Kapamilya (hearts and praying hands emoji).”
Isa rin si @Victoria Lelis Britt sa nag-aabang kay ‘Gel, “Looking forward to watch you Angel. Good things come/ happen to people with a good heart like you my idol.”
Taga-Hongkong naman si @Sapphire Machete, “Wow na Wow! Congratulations to the two of you. From Hongkong with love. God bless you.”
Say ni @Marissa Permalino Catingub, “Locsin and Manzano under Erik Matti’s direction! Wow! Something to look forward too. Buti na lang may HBO go dito”
Anyway, matagal na namin itong naisulat at ‘yung iba ay idinaan pa namin sa blind item na abangan ang pagbabalik ni Angel sa taong 2023.
Ang tagal kasing hindi nagparamdam ng aktres sa kanyang social media kaya curious ang lahat kung ano ang ginagawa ni ‘Gel.
Hindi kaya masorpresa tayo na back in shape na uli siya?
Erik Matti: Ang pinakaayaw ko talagang katrabaho ay ‘yung mga ‘p*kp*k’
Kilalang aktor na dyowa raw ng designer ayaw nang makatrabaho ni Erik Matti, bakit kaya?
Ryan Agoncillo, Jericho Rosales bibida sa prequel ng ‘On The Job’ ni Erik Matti
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.